CHAPTER 21

130 6 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

KAIA'S POV

"Kung sakalin kaya kita?" I said para pagtakpan ang pagkabigla ko sa sinabi niya.

Gosh, what made her think I'd love to have kids and she'll be the mother?

"Come on, choke me, mommy!" She exaggeratedly said.

I almost throttled her literally kung hindi lang siya umiwas.

She chuckled. "Joke lang naman. Hindi ata Protector ang napasukan kong trabaho, ginagawa mo kasi lagi akong punching bag." She pouted.

"Puro ka kasi kalokohan."

"Sungit talaga. Tara na nga." She pulled me out of the car. Wala na akong nagawa kung hindi ang magpahila sa kanya.

"Ano ba talagang gagawin natin dito?" I asked

"Gagastusin ko pera mo." Wala talaga siyang kwenta kausap

"Ano ako ATM mo?"

"May sweldo pa ako sayo remember?" I just rolled my eyes

Pagkapasok namin sa ZK Mall ay dumeretso agad kami sa supermarket, I don't really have any idea why she buys a lot of groceries here as well as veggies, fruits, and meats.

"Sigurado ka ba dito sa mga binili mo? Parang pang limang buwan na iyan sa dami ah." I commented. To be honest, napakadami ng mga binili niya. She even asked for help sa mga nag wowork dito.

"Hindi ito para sa akin. Ang dami mong reklamo. Tulungan mo nalang kaya ako, Darling."

I raised my brow at tinignan ang mga push carts na may lamang mga kahon ng fresh milks and biscuits. Para siyang magbibigay ng relief goods eh.

Hindi niya naman sinabi sa akin kung para saan naman talaga ito. But I'm enjoying buying here in the supermarket. It's been a long time since the last time I went here to buy ingredients for my dishes and sweet treats like cookies, cupcakes and cakes.

Nakasunod lang ako kay Yra ng magsalita siya.

"Sa labas nalang tayo bumili ng ibang prutas." She scratched her neck while holding an apple.

Damn, why is she still so hot just by doing that? Para tuloy siyang model ng isang apple.

"Why not here?"

"Ang mamahal. Tignan mo itong apat na pirasong apple, 250 pesos na. Tig bente lang ito sa labas eh."

Oh...

"It's up to you. It's your money after all." I shrugged. Medyo malaki rin naman talaga ang offer kong pera para sa magiging fake girlfriend ko for a month.

Misha didn't accept the money but she agreed to be my acting girlfriend kaya lang hindi siya dumating.

Itong si Yra, of course, expected na. Hindi niya kayang tanggihan ang pera, but it's okay though.

"Haist. Dito nalang nga. Ayaw naman kitang mainitan at pumasok sa palengke."

"Hey, I don't mind. Hindi naman ako maarte." Ilang beses na rin akong nakapunta sa wet market, kung tutuusin nga ay mas magandang doon nalang bumili ng ibang mga ingredients para sa restaurant dahil mas fresh. But we have suppliers naman from different countries and different dealers din dito sa Pilipinas.

"Ay, maarte pala ako kaya dito nalang."

"Ikaw ang bahala."

After hours here in the supermarket ay natapos na rin kami. Hindi ko nga lang alam kung kakasya pa ang pinamili namin sa sasakyan ko.

My ProtectorWhere stories live. Discover now