CHAPTER 36

149 6 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

KAIA'S POV

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa naging usapan namin ni Yra. Hindi ako nakatulog dahil sa kilig.

She loves me.

It feels like I'm in heaven hearing those words for how many times already.

Ilang beses ko ng narinig pero hindi pa rin nagsisink in sa akin lahat lahat. Parang panaginip lang pero hindi eh, ramdam ko rin na totoo iyon. Ako lang itong nag iinarte, ako lang itong naninigurado, natatakot kasi ako na baka niloloko lang ulit ako.

I was about to confess and tell her that I love her too but suddenly the call interrupted us.

Hinayaan ko muna siyang kausapin ang taong tumawag sa kanya. When she was done, she said that it was her sister, Zehera Ashelah Singh.

Maraming Singh sa buong mundo dahil kalat kalat ang lahi nila at ang iba't ibang business na meron sila. Pero wala rin akong alam tungkol sa mga kapatid niya.

"Miss Kaia, coffee?" Tali asked, hindi ko namalayan na nakapasok na siya sa office ko.

"Yes, please." Ngumiti siya sa akin at umalis na para kuhanan ako ng kape.

Pagkarating namin dito ni Yra kanina ay agad na nagpa-autograph at picture itong si Tali sa kanya. Sinabihan lang siya ni Yra na wag munang ilakat ang balitang siya si Zephyra Azherah Singh. And then Tali teased me after, hinanap niya sa akin ang bracelet na hindi ko naman suot. Natatakot din kasi ako baka may magka-interest or makakilala sa bracelet na iyon.

Yra isn't here, though. Umalis siya agad pagkahatid niya sa akin dito sa restaurant. She said that something came up and she needs to fix it.

Actually after a call last night from her sister ay umalis din siya ng bahay. Bumalik nalang noong umaga kaya hindi ko na nasabi ang gusto kong sabihin.

Ngayon ay naiwan akong kasama ang ilang bodyguards. I said hindi naman kailangan pero nagpumilit pa siya. I asked her who they were, kung bagong hired ba sila ni Dad for me para kung sakaling wala si Yra ay merong maiiwang bodyguards sa akin but she said that they were her bodyguards.

Actually hindi ko alam kung kailangan ko pa ng bodyguards since wala na sa pulitiko si Daddy, pero ang sabi niya kailangan ko pa rin ito para sigurado pa rin akong ligtas kung sakali dahil hindi namin alam ang mangyayari. So I agreed, ayoko ng pagtalunan ulit namin ang tungkol dito.

And for Yra? I don't know kung hanggang kailan niya gusto magpanggap at kung hanggang kailan niya gusto na maging protector ko. I mean, hindi pa talaga kami nag uusap kung bakit siya napadpad sa ganitong sitwasyon. She told me something before na may ginawa siyang kasalanan at nagtatago siya. Maybe I could ask her.

Grabe hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na naging protector ko ang isang Singh.

Hindi ko alam kung saan nanaman siya pupunta pero sino ba ako para pigilan siya? And it seemed like it was an emergency dahil nagmamadali ito. Sinabi niya rin sa akin na baka bukas na ulit kami magkita.

I sighed.

Now I wonder what's with sudden calls and meetings. Was there something to do with the one she was speaking on the phone last night?

Damn it! Don't you dare lay a finger on her...

Sino kaya ang tinutukoy niya doon? Who's she? Galit na galit pa naman si Yra that time.

I shook my head. It's none of my business so I should stop thinking about it.

Napatingin ako sa mga kailangan kong tapusin na mga papel. Kinausap ko na rin si Daddy tungkol sa Wine Company at siya na raw ang bahala doon. Naging maayos na rin ang issue sa hindi niya pagtakbo sa halalan ngayong taon. He fixed it fast like he used to. Kaya wala ng mga reporters na gustong kunin ang pahayag ko tungkol doon. Ngayon ay si Daddy na ang may kontrol sa buong pagawaan ng Wine. I'm helping him as well, may mga papers din na sinesend sa akin ang Secretary niya through email about the wine business. Hindi ko na kailangan pumunta ng company dahil pwede naman akong magtrabaho dito sa mismong office ko sa restaurant.

My ProtectorWhere stories live. Discover now