CHAPTER 18

135 6 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

PHYRA'S POV

"That's the reason why I hired Misha Raven to be my girlfriend for at least a month." Iritang sabi niya sa akin

Pinilit ko siyang ikwento kung bakit naghanap pa siya ng girlfriend. Kaya kahit ayaw niyang sabihin sa akin ay napilitan siya dahil sa pang bablackmail ko.

Malaki na talaga ang sapak sa ulo ng babaeng ito. Para lang hindi siya mapahiya kuno sa mga Professors at sa mga kaklase niya ay kinailangan niya pang maghanap ng girlfriend.

Hindi ko rin alam kung bakit naiinis ako. Noong una, ako yung pinakilala niyang girlfriend doon sa ex niya. Tapos magpapakilala nanaman siya ng iba?

Baka naman mapagkamalan pa siyang playgirl niyan!

Pagkatapos ko siyang maihatid sa company ay agad akong nagpaalam sa kanya na may pupuntahan ako saglit. She asked me where but I didn't say anything.

Sinearch ko kung saang lupalop ang kompanya nung Raven, mabuti nalang at nahanap ko. Pagkatapos ay nagsend lang ako ng email sa kanta at sinabing kakausapin ko siya.

Pinuntahan ko ang kompanya ng Raven na iyon. Kahit wala akong appointment, I managed to go inside her office at tuwang tuwa pa siya dahil pupuntahan daw siya ng isang Zephyra Azherah Singh, isa sa apo ni Atty. Zekiah Singh.

Mukhang kilala na nga nila ako dahil pinagkalat ko noon sa news o media na isa akong CEO at Chef. Pinagkalat ko rin kasi na apo ako ni Mamu Zekiah. Akala ko talaga ligtas na ako dahil nakadelete lahat ng mga picture ko sa media pero may iilan pa rin pala na nakakita at nakakakilala sa akin.

Tulad nalang nung ex ni Kaia na si Leyven. Nakilala ko siya noon sa ASU, bata pa ako noon ng pumunta ako sa ASU kasama ang parents ko pero sakto na nandoon din siya kasama si Coleen kaya nakilala nila ako bilang Singh.

Si Kaia lang naman talaga ang tanga. Hindi ko nga alam kung paanong hindi niya ako nakilala. Sa ASU rin naman siya nag aral noon. Wala talaga siyang kaalam-alam. Hindi ba siya tumitingin sa social media? Or sa mga exclusive sites? Sigurado akong nandoon ang pangalan ko at meron akong litrato doon kahit papano at ilang mga impormasyon din. May bayad nga lang para magkaroon ng access doon, kaya nga tinawag na exclusive sites for exclusive bachelors. Ang ibang elites ay nagbabayad pa sa site na iyon para lang makakuha ng impormasyon tungkol sa akin, o sa pamilya ko. Wala sigurong alam tungkol doon si Kaia, next time nga ay ioopen ko sa kanya ang tungkol sa site na iyon para makilala niya kung sino ang lagi niyang kaharap, pinagtatarayan at nakakausap.

"What a privilege for you to visit in my company, Lady Zephyra." Sinasabi ko na nga ba.

Ayoko sanang gawin ito dahil nagtatago ako sa mga kalaban. Ayokong magpakilala sa kahit na sino, pero naputol iyon nang dahil din sa kalokohan na pumasok sa isip ko noon. Ano pa bang kwenta kung itatago ko pa ang sarili ko hindi ba? Walang saysay ang pagpapanggap ko ng mahirap at pagtatago ng totoo kong pagkatao kung may nakakakilala na sa akin.

Siguro kaya ko lang patuloy na ginagawa ito ay dahil kay Kaia.

I was hired by her father. Si Kaia rin ang batang dati ko pa hinahanap. Kaya nang malaman kong siya nga si Kaia Twyla ay ayoko nang umalis sa tabi niya. Kung pwede lang isama siya pabalik sa Spain ay ginawa ko na. Pero masyado pang magulo ang buhay ko, at natatakot din ako para sa kanya.

What I did was not a joke. Ayokong mapahamak siya pero gagawa ako ng paraan para hindi mangyari iyon.

"I want you to not come as a girlfriend of Kaia Fallon two days from now in that engagement party." Katulad ng inaasahan ko, napanganga siya at nanlaki ang mga mata. "Hihigitan ko kung ano man ang offer na binigay niya sayo. I can invest in your company, make it my main brand of clothing. You can put my name as an endorser of the brand. Kaya kong mas maging makilala pa ang company mo, Miss Raven. Pwede mo rin akong gawing business partner. Just accept what I want at pwede ka nang lumipad sa ibang bansa, at kausapin ang mga tauhan ko. Sila na ang bahala sa offer ko. I will also make them know once you deal with my proposal."

My ProtectorWhere stories live. Discover now