CHAPTER 7

155 7 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

KAIA'S POV

"Great job, everyone! We nailed it today." I said kaya ngumiti sila. Nagpaalam na rin ako at lumabas na kasama si Yra sa tabi ko.

"Miss Fallon!" Tumingin ako kay Tali na naglalakad papunta sa gawi namin. "For sure you'll be happy because all of your customers were very satisfied and happy sa foods at kung paano naging mabilis ang magseserve." Napangiti ako dahil doon, I got lots of good feedback.

"Glad to hear that." Napaubo naman si Yra kaya tumingin ako sa kanya. "Thank you for the help." I said, I meant it. Kung hindi dahil sa kanya hindi magiging maayos itong araw na ito.

"First time ah." Here she goes again.

"I didn't know na magaling kang magluto, kinda surprise." Sabi ko habang naglalakad papuntang office ko.

She chuckled and I found it sexy. Damn, why is everything about her being sexy? I can't believe this!

"May Chef bang hindi magaling magluto?" She asked at proud pa sa sarili niya.

"Nagluto ka lang sa kitchen ko tapos tinatawag mo na ang sarili mong Chef."

She chuckled again. "Bahala ka sa buhay mo kung ayaw mong maniwala. Wala ka talagang kaalam alam 'no? Akala ko noong una nagpapanggap ka lang."

I looked at her. Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. Pero alam ko naman na hindi siya matinong kausap.

"Nagpapanggap saan?"

"Hindi mo pa ba nakita ang mukha kong maganda sa internet, magazines or sa personal? Do you know the most powerful and wealthiest people in the world?"  I looked at her, checking her whole damn pretty face.

I frowned. Wala naman eh. Tsaka sino ba siya para makita ko sa internet and magazines? Ang nakikita ko sa kanya, isa siyang simpleng batang babae, makapal ang mukha, mayabang, walang hiya, hindi matinong kausap, at tambay sa kanto kaya imposible.

She winked kaya doon ako natauhan.

"Paano ka naman masasama doon?" I rolled my eyes.

"Bahala ka nga sa buhay mo!" Ang gulo niya talagang kausap. May binubulong pa siya pero hindi ko naman na naririnig dahil lumabas na siya ng office ko.

Napasandal naman ako sa swivel chair ko. I was freaking tired but it was all worth it. I have never enjoyed cooking in the kitchen like I was a while ago. I mean, I'm happy kapag nagluluto ako, pero hindi kasing saya kanina kahit nakakapagod. Hindi ko nga napansin na napepressure na ang iba. I don't know why, ang weird.

"Miss Fallon," Tumingin ako kay Tali. "Crush ko na ata yung Protector mo." I almost choked because of what she said.

But I didn't answer at inayos nalang ang gamit ko.

"Ang galing niya rin pala magluto, para siyang isang Chef." She giggled. "Hindi naman siguro masama na magkagusto sa same gender, right? Ang ganda ganda niya tapos ang hot pa. Para siyang isang model sa datingan niya. Poganda!" Tili niya

"Tumigil ka diyan dahil wala kang mapapala sa kanya." Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis.

"I think, I'll be the happiest woman alive kapag kasama ko siya."

I mentally rolled my eyes. Tanggalan ko kaya ng trabaho itong babaeng ito?

"Bahala ka sa buhay mo." Inis na sabi ko

My ProtectorWhere stories live. Discover now