CHAPTER 8

147 7 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

PHYRA'S POV

Nakatingin lang ako kay Chef Sungit habang umiinon siya.

Dapat hindi nabobroken itong babaeng ito, eh. Naglalasing siya at ayaw pa papigil.

"Yra, drink whatever you want, libre ko naman." Lasing na si Chef Sungit. "Titignan mo lang ba ako? Uminom ka, samahan mo ako." Inabot niya sa akin ang isang Nectar Whiskey.

Malakas din palang uminon itong babaeng ito. Malapit na niya kasing makalahati yung isang bote.

Napabuntong hininga ako bago kumuha ng baso at nagsalin ng alak tsaka inisang lagok ito.

Sakit talaga sa ulo itong babaeng ito.

"Tara na, uwi na tayo." Awat ko sa kanya dahil nakakarami na siya.

"We're just getting started." Humagikgik siya tapos lumapit sa akin at bumulong. "Sasayaw pa ako kaya wag kang magulo diyan."

Agad akong napangisi dahil na-iimagine ko kung paano sumayaw itong Chef na masungit na ito. Pero sa kabila ng pagiging masungit niya, pag-ibig pala ang kahinaan niya.

Tsk! Love nga naman. Kaya wala pa rin akong maipakilala sa pamilya ko dahil wala akong kasiguraduhan na sila talaga makakatuluyan ko.

"Mga gago ang mga lalaki! Ang kapal ng mukha niyong magloko tapos ngayon papakita kayo na ikakasal nalang? Pero wala na iyon, naka-move on na ako! Ayaw na rin kitang makita dahil naiinis ako sayo pero pasalamat ka dahil mabait ako!" Ayan na ang pagdadrama niya.

Dahil sa kalokohan na pumasok sa isip ko ay kinuha ko ang phone ko at vinideo siya. Ipapakita ko ito sa kanya bukas o kaya ipopost ko sa facebook.

"Wag kana kasing magjowa. Tignan mo ako tamang chill lang." Sabi ko

"Kaya nga wala akong jowa ngayon dahil sa kanya!" Oh, yung lalaki pala ang dahilan. Bakit naman kasi niya ginawa ito kay Chef Sungit? Gago pala iyon, eh.

"Manloloko ka rin ba, Yra?" I shook my head. Sira ulo lang ako pero hindi ako manloloko 'no dahil wala sa lahi namin ang manloloko.

"Tama iyan! You should not cheat! Babae nalang kaya rin ang mahalin ko? Mas exciting siguro iyon 'no? Manloloko naman ang mga lalaki, eh!"

She's crazy. Hindi naman lahat ng lalaki manloloko eh. Hindi ko rin naman dinedepensahan ang mga lalaki, pero may mga pinsan kasi akong lalaki na napakaloyal sa mga girlfriend nila. Tsaka nakadepende rin naman sa mga tao kung magloloko sila o hindi eh.

Cheating is a choice, not a mistake. And loyalty is a responsibility, not a choice.

"Kaia, let's go home. Baka mapatay na ako ng tatay mo." Kahit naman kasi ganito ako hindi ko kokontinsihin yung katangahan ng babaeng ito.

"Ako na ang bahala." Siya ang bahala ako ang kawawa?

"You're drunk."

"No. Look, I can still dance. Watch me." She stood up kaya agad ko siyang inalalayan. Baka kasi matumba pa siya dahil sa katangahan niya tapos ako yung may kasalanan.

"Tara sayaw tayo!" Hinila niya ako papunta sa dancefloor. At ng nasa gitna na kami ay nagsimula na siyang gumiling.

She put her hands on my neck. Nakatitig lang ako sa mala anghel niyang mukha pero masungit. Our faces were so close that I could smell her breath na amoy alak. How can a man hurt this woman? Hindi ba naisip ng gagong lalaking iyon na napakaperfect ng babaeng ito para lokohin niya? Masungit at may pagka-tiger lang ito pero sa tingin ko sobra siyang magmahal. Hindi naman siguro siya masasaktan ng ganito kung hindi siya nagmahal ng sobra.

My ProtectorWhere stories live. Discover now