CHAPTER 28

126 5 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

KAIA'S POV

After a few hours, lumapag ang chopper sa malawak na open area sa vineyard.

Hindi kalayuan ay ang mansyon at sa kabilang banda ay ang ektaryang taniman ng mga ubas.

I removed the headphones, tinulungan din akong makababa ni Josh.

"Thanks." I said at lumayo ng konti mula sa chopper para makuha nila ang mga bag na dala ko.

I stopped and roamed my eyes around the area. I am back in Fallon Vineyard and Winery.

Gusto kong pumikit dahil ang presko ng hangin kahit na magtatanghali na rin. The strands of my hair were swayed by the wind coming from the chopper's main roto hanggang sa huminto ang pag ikot nito.

I've missed LU. The air, the green surroundings, the busy people picking some grapes, the sound of the harvesting machines and of course the loud excited voice of the man who's now approaching me.

"Kaia!" He shouted again while running towards me and waving his hand. Sa likod niya ay sina Nanay Cici at Tatay Rey.

Naglakad na rin ako papalapit at sumalubong sa kanya. We hugged each other.

"Ang tagal mong hindi bumalik, akala ko nakalimutan mo na ang gwapong tulad ko." I playfully punched his chest. Ang hangin pa rin.

"Woah! That's hard. You're working out?" Umirap siya. Medyo patpatin pa kasi ito dati eh. Yun ang pag aasar ko sa kanya. Pero noong last na pumunta naman ako rito ay lean and fit na siya, it's just that mas naging maganda ang katawan niya ngayon.

"Namiss kita!" Niyakap niya ulit ako

"I've missed you too, Die."

Die is my childhood friend here in San Fernando, La Union. I was four years old when Daddy and Mom brought me here for the first time. We stayed here for like a year before going back to Manila para mag aral ako. Nandito pa rin sila Grandpa and Grandma, they're Dad's parents and they stayed here in LU. Die is the only son of Nanay Cici and Tatay Rey, the caretakers of the mansion.

Bata palang ako si Die na ang madalas kong nakakalaro at nakakasama, bukod doon sa mga anak ng mga mayayamang haciendero at haciendera sa kabilang bayan. He's just two years older than me, I treated him like a kuya and he treated me like his little sister. We are really close, obviously. Nagkakasundo kami sa maraming bagay. Tuwing pumupunta ako rito siya lagi ang sumusundo sa akin, nangunguna sa yakap.

Nang makalapit sila Nanay at Tatay sa akin ay niyakap at binati ko sila, ganun din ang ginawa nila.

"Kamusta, hija?" Nanay Cici asked.

I smiled. "Ayos lang naman po. Kayo po?"

"Mabuti naman din, Kaia. Namiss kita." Nanay hugged me again and kissed my head. She's like Nanay Cla, sweet, loving and caring.

"Sa loob na tayo mag usap usap. Nang sabihin ng Daddy mo na pupunta ka dito ay sobrang tuwa namin." Sabi ni Tatay Rey

"Ako rin po. Biglaan nga lang po ito, eh. Pero masaya rin po akong makapunta ulit dito."

We're now walking papunta sa mansion. Nakapatong ang kamay ni Die sa balikat ko, palibhasa ang tangkad niya kaya ginawa na namang patungan ang balikat ko.

"Ako po talaga ang sadya niya kaya pumunta si dito, 'nay, 'tay." Sabat ni Die

"Assuming." They all laughed dahil sa sinabi  ko.

My ProtectorWhere stories live. Discover now