CHAPTER 22

126 5 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

KAIA'S POV

"Chismosa ka rin pala 'no?" Yra said that made me startled. Bigla siyang sumulpot sa likod ko.

Kanina pa kasi nakaalis yung dalawang babae samantalang ako ay nasa kinatatayuan ko pa. Smiling like crazy. I can't help but smile. I mean, finally, there's a way I could see the triplets.

Pero dapat ko na muna isipin ngayon ang pagpunta namin sa Dreamhouse. There's always a time for that. I will make time for them. Ngayon na nalaman ko na kung saang site sila hahapin.

"What made you say that?" I asked her.

"Kasi nakikichismis din ako. Sino ba yung triplets na tinutukoy nila at interesado ka naman? Napakaganda siguro nila 'no? Kamukha ko siguro sila."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Baka kamukha mo ang kuko nila." I joked.

She laughed hard, like what I've said was funny for her. Nakakakuha tuloy kami ng atensyon sa ibang taong nasa loob ng bookstore.

"Baka magulat ka nalang kamukha ko talaga sila. Or baka isa talaga ako sa kanila?" I rolled my eyes again.

"Tara na nga kung ano ano pang sinasabi mo."

Pinasadahan ko naman ng tingin ang mga libro ni Solange Ramos Singh. Laging may bagong stocks dahil for sure mabili ito, since then until now. Inaabangan ko nga kung may bago ba siyang release na book pero wala pa. Isa rin kasi siya sa hinahangaan ko dahil tulad ng sabi ko LAHAT NG SINGH ay hinahangaan ko.

Since nabili ko na rin naman ang lahat ng kailangan ay nagbayad na agad kami at dumeretso na palabas with push carts na naglalaman ng paper bags.

"Wait, yung iba pa natin binili nasaan na?" Takang tanong ko

"Nauna na sa Dreamhouse."

"How?"

"Naglakad siguro." Agad ko siyang hinampas dahil wala nanaman kwenta ang sagot niya. "Joke lang naman eh. Pinadeliver ko na dahil hindi naman kakasya sa sasakyan." I rolled my eyes at her. Sasagot din pala ng matino eh.

"Since when are you helping the kids there?"  I asked. Nakakagulat din kasi. Who knows that Yra is helping kids in an orphanage?

"Simula ng magkaroon ako ng malay sa mundo." She said

"You know what, akala ko tambay ka lang talaga at nag aaral lang before you get hired by Dad." She looked at me with her one brow arched.

"Iyon naman talaga ang plano ko kaso nahanap na nila ako."

I furrowed. "Nahanap ka nila? Sino sila?"

"Mga adik." Huminto kami sa harap ng sasakyan.

Gosh, she's starting again. I'm trying to get to know her more. Nagbago bigla ang tingin ko sa kanya simula nang malaman ko na tumutulong siya sa Dreamhouse, from walang respeto, makapal ang mukha, asal kanto to matulungin. So I'm suddenly interested in her life. Mabait siya, nakakainis nga lang madalas dahil sa mga walang kwenta niyang sinasabi at malakas mang-asar.

Siya na ang nagpasok ng lahat ng mga nabili namin sa trunk and backseat ng kotse.

"Do you often go there? Do you donate foods ng ganun karami every time na dadalaw ka?" She nodded her head bago niya abutin ang kamay ko at nilagay doon ang card ko.

"Thanks." She said and winked at me before she opened the car's door for me. I hopped in and waited for her to go inside as well.

"Ikaw? Ilang taon ka nang tumutulong sa kanila?" She started the engine at nagdrive na siya paalis.

My ProtectorWhere stories live. Discover now