CHAPTER 4

145 7 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

KAIA'S POV

Gusto kong kumontra sa sinabi ni Daddy dahil si Phyra ang magiging bodyguard ko pero umalis siya agad.

Sa dami ng taong pwede niyang mahanap, bakit siya pa?! Feeling ko mas lalong mapapahamak ang buhay ko dahil sa kanya.

Napatingin ako sa phone ko ng magring ito. Wait, paanong napunta ang phone ko dito? Sa pagkakatanda ko kasi iniwan ko ito sa kotse ko dahil lowbat, pero bahala na.

Kinuha ko ito ay sinagot ang tawag. It's Flynn......sabi na nga ba mababalitaan niya ang nangyari.

"Thank God, you answered the call. How are you, Kaia? Are you okay? I saw the news about what happened to you." Yeah, ganito talaga siya, pero sanay na ako dahil ganito rin naman ako sa kanya.

"Hey, relax. I'm fine. Inatake lang ako ng asthma, pero wala naman masamang nangyari."

"You sure?"

"Yeah."

Hindi rin nagtagal ang usapan namin dahil nagkamustahan lang kami.

Nakatanggap naman ako ng message kay Daddy, saying that inayos na niya yung news about sa akin dahil alam naman niyang ayaw kong nababalita ako.

The second message, says that Phyra will start sa pagiging bodyguard ko right now.

Damn! Hindi pa nga ako handang harapin ang batang babaeng iyon tapos makikita ko na agad siya? I need a break! I'll be needing another oxygen tank, I guess.

Biglang may kumatok naman sa pinto, probably it's her.

Pumasok si Phyra at ngumiti pa ng makita ako. Sarap suntukin ni gago.

I gave her a dagger look.

"Ang sungit mo talaga. Hindi kana nga marunong magthank you." Sabi niya at may binulong pa pero hindi ko na narinig.

"Thank you!" Inis kong sabi

"Mukhang labag pa sa loob mo, ah. Hindi kana sana nagpasalamat."

"Edi wag!"

"Matulog kana lang, Miss Sungit, para makatulog na rin ako. Ang sakit kaya ng katawan ko dahil sayo tapos 2:30AM na rin, oh. Tsaka may pasok pa ako bukas sa school." Hindi ba tatahimik itong babaeng ito? Ang daldal!

"So, bakit parang kasalanan ko pa kung may pasok ka pa bukas, huh? Bahala ka diyan!" Bakit kasi siya pa ng kinuha ni Daddy na bodyguard kung nag aaral pa itong batang ito.

"Walang awa, tanga na nga." Binato ko siya ng unan dahil sa sinabi niya.

"Hindi ako tanga! Just shut up or else I'll fire you!" I hate her guts! How dare her to call me tanga?!

"Yan ang hindi mo magagawa dahil hindi naman ikaw ang nag hire sa akin for you to just simply fire me, for your information." She smirked at me.

"Hindi ka lang pala walang modo, mayabang at makapal din pala ang mukha 'no? May lakas ka pa talagang sagot-sagutin ang anak ng nagbigay sayo ng trabaho. Ang bastos mong bata ka!" She just chuckled na parang walang pakialam sa sinabi ko.

"Ang ingay mo, alam mo ba iyon? Putak ka ng putak. Palibhasa tumatanda na, eh."

"Sinasabi mo bang matanda na ako?"

"Wala akong sinabi, ah. Pero sa tingin ko naman mga 4-7 years ang tanda mo sa akin at iyang kasungitan mo ay sign of aging."

"Arghh, get out!"

She shook her head. "Senator's order, Ma'am, kung saan ka doon din ako."

"Then shut your mouth!"

"Matulog kana muna. Sakit mo sa tenga eh. Kanina kapa rin daldal ng daldal hindi ba sumasakit lalamunan mo? Gusto mong ibaon ko iyang oxygen tank sa lalamunan mo para tumahimik ka? Buti hindi ka pa namatay ng inatake ka ng asthma." Ang kapal talaga ng mukha niya!

Lahat ng sasabihin ko may sagot siya, puro pamimilosopo pa. Ngayon lang ako naka-encounter ng ganitong batang babae! Halos lahat ng nakakasalamuha ko ay nirerespeto at ginagalang ako. Ang taas ng tingin nila sa akin, but this asshole has the thickest and ugliest face to call me tanga. How dare she!

"Nakakainis ka!" Sabay bato ko ulit ng unan sa kanya.

"Salamat sa unan, ang bait mo naman pala dahil binigyan mo pa ako ng unan."

Dahil sa sinabi niya, doon ko lang napagtanto na wala na ang mga unan ko.

Umirap nalang ako at tumalikod sa kanya. Mababaliw ako kapag kasama ko ang batang babaeng ito.

Can Daddy hire another bodyguard? Bakit siya pa kasi ang napili? Parang wala naman itong alam sa pagprotekta, pang iinis pwede pa and I think that's her role

Ang kapal talaga ng mukha!

My ProtectorWhere stories live. Discover now