SPECIAL CHAPTER I

148 6 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

PHYRA'S POV

"Yra..."

"What?" I groaned while my eyes were still shut. Antok na antok pa ako. Wala pa akong tulog dahil sa mga false alarms. I mean akala ko manganganak na siya pero hindi pa pala.

Isang linggo na ata kaming ganito. Pabalik balik sa ospital pero ayaw pang lumabas ng mga babies namin. Hindi pa naman kasi niya due date pero sabi niya manganganak na siya.

Yeah, after namin magpakasal 1 year ago ay sumalang ulit siya sa IVF and nagpositive ito kaya sobra ang pag-aalaga ko sa kanya dahil ayaw ko ng mangyari ulit ang nangyari noon.

"Manganganak na ata ako." I just kissed her forehead. "Yra!!!" She screamed

Doon na ako napabangon sa pagkakahiga.

"Totoo ba?"

"Ahhh!" Totoo na nga ata ito dahil sobrang lakas ba naman ng sigaw.

"My water just broke!"

Huh?! Ano raw?

Pagtingin ko sa higaan ay basang basa na ang mga ito. Nagsimula akong pagpawisan.

"Goodness, you're gonna kill me!"

Kinakabahan akong buhat buhat siya at dumiretso sa labas. Nagising na rin ang mga taong natutulog sa sala. They were Flynn na kasama si Taki, Mom Twaly and Dad Clyden.

Nataranta kaming lahat at sa sobrang kaba at pagpapanic namin ay mas nauna silang sumakay sa sasakyan kaysa sa amin ni Kaia.

When they realized na naiwan kami, ayon they went back to help us.

"Calm down, guys!" Sigaw ng kapatid ko na si Taki dahil siguro napansin na hindi kami mapakali.

We took deep breaths in chorus sa loob ng sasakyan.

Nakarating kami sa ospital ay agad siyang dinala sa delivery room para i-CS.

Hindi rin tumagal ay dumating sila Mommy Zei at Mommy Quinn kasama sila Mamu Zekiah and Mama Seren.

Agad naman lumapit sa akin si Mommy Quinn at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit dahil sa kabang nararamdaman ko.

Naghahalo halo ang nararamdaman ko, may takot, may excitement, may saya, hindi ko mapaliwanag.

Ilang oras pa ang hinintay namin ng lumabas na ang doctor at sinabing inaayos na ang mga baby.

"It's a twin baby girl." Sabi ng Doctor.

My heart is beating so fast. Ang saya-saya kong marinig na dalawang babae ang anak ko dahil madadagdagan ang mga bading sa mundo.

Ilang minuto pa ang hinintay namin ng naging maayos na ang lahat at nilipat na rin si Kaia sa private room kasama ang mga babies.

At this moment I really fell in love with my daughters in an instant. Ang ganda ganda nila. Ang puti puti pa nila. Parehas sila ng Mommy nila.

"Her name is Kyomi Zeary." Mahinang sabi ni Kaia sa tabi ko habang hawak ko sa baby Kyomi. "And this one is Azariah...Azariah Twalyn." Tukoy niya naman sa hawak ni Flynn.

"Baby Azariah Twalyn and baby Kyomi Zeary." Sabi ko kaya tumango tango si Kaia at ngumiti ng tipid.

"Hi baby Azariah." Sabi ko tapos umiyak siya bigla na ikinagulat ko. Hala siya, baby palang attitude na. Alam ko na kung kanino nag mana.

My ProtectorWhere stories live. Discover now