CHAPTER 9

133 4 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

KAIA'S POV

"What? Do you remember now what you've done last night?" Mataray na tanong niya

Gusto kong umiyak dahil sa kahihiyan,  anong katarantaduhan ang ginawa ko kagabi?!

Binato niya sa akin yung black shirt niya at sinuot ko iyon ng hindi inaalis ang kumot sa katawan ko.

Alam kong lagi akong binabalaan ni Flynn na wag iinom ng alak dahil nakakagawa ako ng kahihiyan kapag nalalasing. Pero ano ba ang katangahan ang ginawa ko?

Arghhh!

Pero hindi ko matanggap na naghubad ako sa harapan ni Yra! Nakita na niya ang lahat, but we are both girls naman 'di ba? So, okay lang iyon, pero may part sa akin na nahihiya ako dahil sa ginawa ko.

"Don't drink when you're alone. Hindi ka kasexy-han para ibalandra iyang katawan mo."

Kung hindi lang masakit ang ulo ko baka nasapak ko na siya dahil sa kasungitan niya ngayon.

"Shut up!"

"You're the crazy woman I know."

Gusto ko pang kumontra pero pinapangunahan talaga ako ng kahihiyan. Okay sana kung si Flynn ang kasama kong natulog ng naka-undies ako, pero kung si Yra? Gusto ko nalang magpalamon sa lupa.

"Hoy!" Nagulat ako dahil sa sigaw ni Yra

"What?! Can you shut up? I know I make drunken mistakes kapag nakainom, you don't have to remind me!"

"Stupid." She murmured. "Kanina pa nagriring iyang phone mo, nakakarindi!"

Bakit ba ang sungit niya ngayon?

Napatingin naman ako sa bag ko na nasa sahig, kinuha ko ito at sinagot ang tawag. Lumabas naman si Yra sa kwarto. May problema ba yung babaeng iyon? Ang sungit sungit niya ngayon, eh.

"Miss Fallon, hindi ka po ba papasok ngayon?" Tanong ni Tali sa kabilang linya

Agad naman akong napatingin sa orasan at nanlaki ang mata ko ng makitang 11:30 AM na.

Napahawak ako sa ulo ko ng kumirot ito sa sakit. I just bought that luxury drink na kagabi ko lang nalaman na meron palang ganung drinks sa bar na iyon.

Ang bar kasi na pinuntahan namin ni Yra kagabi ay ang pagmamay ari ng iniidolo kong si Miss Saphia Quella Singh, ang Ace of Club o mas kilala bilang AC.

"Miss, okay ka lang ba?"

"Yeah, I'll be there later." Sagot ko at pinatay na ang tawag.

Lumabas na ako dito sa kwarto and I saw her sa sala nakaupo and busied herself sa pagpindot ng phone niya.

Nilibot ko naman ang paningin ko dito sa lugar kung nasaan ako. This place isn't big, hindi rin bago and this is an apartment! Why does she even live in a place like this? Hindi naman siya mukhang mahirap, or sadyang maganda lang ang batang babaeng ito kaya hindi napagkakamalang mahirap? But her attitudes say it all, asal kanto. Siguro humihithit din siya ng rugby or what.

"Do you live here?" Hindi ko maiwasang tanungin.

"Yeah." Tipid at malamig na sagot niya.

Really? What's wrong with her?

"You don't even look like someone who lives in a place like this." Taas kilay kong sabi, I just can't believe it.

My ProtectorWhere stories live. Discover now