CHAPTER 10

136 7 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

PHYRA'S POV

Sakit talaga sa ulo yung babaeng iyon. Ako na nga yung nagmagandang loob na patulugin siya dito sa apartment ko tapos ang kapal pa ng mukha na magsayang ng tubig ang ubusin ang body wash ko!

Pang huling bote ko na iyon eh! Wala na akong pambili! Sa Italy ko pa pinabili iyon kay Solange tapos uubusin niya lang?!

Malaki naman yung nakuha kong sweldo sa daddy niya pero pinambayad ko kay Aling Berta, baka kasi mambulabog ulit iyon. Tsaka kailangan kong magtipid baka kasi bigla akong alisin bilang Protector niya. Gusto ko nga sanang magback out dahil ayaw kong magbantay ng baliw at ubod ng sungit kaso naisip ko kung saan din ako kukuha ng pera.

Pero sana wag magkaroon ng malaking problema. Senator ba naman ang tatay niya, siguradong kahit saan magpunta iyon ay may nag aabang, lalo na dito sa anak niyang si Chef-Sungit. Kaya hangga't maari dapat konti lang ang impormasyon na kumakalat kay Sungit, lalo na yung tungkol sa akin. Baka kasi kapag nakita ako sa media magka-issue pa dahil sa kagandahan ko. Malamang pagkakaguluhan ako at ayaw kong mangyari iyon.

Tahimik na ang buhay ko ngayon, maliban nalang kung nandito si Chef-Sungit. Lakas humatak ng problema iyon eh. Pati tuloy ako nadadamay.

"Ito na sabon mo!" Rinig kong sigaw noya sa labas ng pinto ng banyo.

I smiled, nauutusan din naman pala siya, eh. Sadyang maarte lang minsan.

Panatag naman na rin ko na walang gagalaw sa kanya dito sa lugar namin dahil binalaan ko na sila at sinabi ko sa mga tambay na bantayan siya kapag nakitang pakalat kalat diyan.

Subukan lang din nilang galawin siya, hindi lang pagbali ng buto nila ang gagawin ko. Isang Kaia Fallon ang kasama ko kaya kapag nagkaroon siya kahit gasgas lang siguradong lagot ako.

Mabuti nalang talaga at hindi siya masyadong nilalabas sa news. Kung meron man siguro baka sa mga exclusive na magazines at chanel siya dahil sa kasikatan niya na rin sa business. Sana rin walang nakakilala sa kanya sa labas, baka ako yung bulabugin ng media. Ang ganda ko pa naman din.

Agaw pansin din kasi itong babaeng ito, eh. Kahit simple lang ang suot niya, mapapalingon ka talaga.

Binuksan ko ang pinto ng nakaundies lang. Naiinis pa rin ako sa babaeng ito, kagabi pa siya tapos dahil sa lintik na ipis ay yumakap pa siya sa akin ng walang damit pang itaas.

Mas lalo tuloy akong nainis, hindi naman niya ako pinapanindigan. Kung lalaki lang ako at may tumatayo lang sa akin, ay sa malamang at malamang lagi ng tumatayo iyon.

"I know, I'm gorgeous from head to toe." I said dahil nakatingin lang siya sa katawan ko.

Gusto kong matawa dahil bigla siyang namula.

"Excuse me? I wasn't staring at your body!" Sabay talikod, dedeny pa niya eh nahuli ko na nga siya.

"Fine! Akin na iyang sabon ng matapos na ako dito." Muli siyang humarap sa akin at padabog na binigay ang sabon sa akin.

"Magluto kana rin ng pagkain dahil nagugutom na ako." Utos ko, nag eenjoy akong utusan siya ngayon eh. Dapat lang naman, hindi libre ang pagpapatulog ko sa kanya dito 'no.

"Yra!" She shouted

"Ano?"

"Can't you understand I'm going to my office?!" Namumula na ang mukha niya dahil sa inis.

"Oh, sige, ikaw ang bahala. Isang tawag ko lang naman kay Senator, goodbye." Sinara ko na ang pinto ng banyo at nagpatuloy na sa pagligo.

Bakit kasi napaka-workaholic niya? Hindi naman siya makakapagtrabaho ng maayos dahil alam kong masakit ulo niya dahil sa hangover.

My ProtectorWhere stories live. Discover now