CHAPTER 3

138 8 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

PHYRA'S POV

Kung kailan nagugutom na ako doon pa ako may problemang nakaharap. Kapag minamalas ka nga naman, oh!

Tinignan ko ang babaeng nakaupo ngayon at namimilipit sa sakit ng tyan. Nakita ko kasi kung paano siya sinuntok nitong unggoy na ito sa tyan niya, buti nalang hindi pa lumabas yung bituka ng babae sa lakas ng pagsuntok eh.

Tsk, nakakaawa ang sakit sa mata. Kahit naman loko loko ako ayaw ko rin na may inaabusong tao, ayaw kong may sinasaktan na tao na wala naman kalaban laban lalo na itong babaeng ito.

Sinabi ko ng isakay na ulit siya pero biro lang iyon 'no. Akmang isasakay na nga siya ulit ng mabilis kong hinampas ang pinamili kong grocery sa pagmumukha nilang tatlo.

Sinipa ko rin ang mga baril nila palayo dahil mahirap na, pero yung babae amused na amused ata sa mga ginawa ko dahil nakatulala lang sa amin.

Baka Phyra ito!

"Ano pang ginagawa mo?!" Sigaw ko sa kanya.

"Huh?" She said.

Tanga naman.

Hinila ko na ang kamay niya at sabay kaming tumakbo.

"Gusto mo ba talagang magpakamatay, huh? Tanga mo naman!" Sigaw ko ulit sa kanya habang tumatakbo kami.

Bukod kasi sa malalaki ang katawan ng mga iyon, ayaw ko rin masugatan ang maganda kong mukha. Kaya I sacrifice my food! Kawawa naman ako, wala na akong pagkain ng ilang linggo!

"Hoy, ang kapal naman ng mukha mong sabihan ako ng tanga!" Sigaw niya pabalik.

Aba, hinihingal na siya pero nakasigaw pa, ah.

"Anong gusto mong sabihin ko? Bobo mo?!" Inis na sigaw ko. "Bilisan mo naman tumakbo baka abutan pa nila tayo!"

Ang bagal niya kasing tumakbo, nasa likuran na namin ang mga lalaki! Paano kung abutan kami? Patay na.

Napasigaw kaming pareho nang nagpaputok sila ng baril. Lumiko kami sa isang maliit at masikip na daan kaya pasalamat itong babaeng ito kabisado ko ang lugar na ito.

May nakita akong isang basura na nakatambak kaya doon ko siya hinila.

"Ano ba? Wag kang masyadong maingay! Hihinga ka lang napakalakas pa!" Mahinang sabi ko dahil para na siyang aso na hinihingal.  "Dito tayo bilis!" Dagdag ko pa

"What?! Anong diyan?!" Sigaw niya kahit hingal na hingal na siya.

Napakamot nalang ako sa batok. Kahit ako ayaw kong magtago dito pero wala na kaming choice.

"Ang arte mo! Bahala ka diyan! Pagod na akong tumakbo, kung gusto mo ikaw nalang tumakbo total ikaw naman ang kailangan nila! Basta ako magtatago ako dito!" Sagot ko. Ang sakit na ng lalamunan ko dito sa babaeng ito.

Ng marinig ang mga yapak at sigaw ng mga unggoy ay nanlaki ang mata nitong babae at agad na siyang lumapit sa akin. Wala na rin akong nagawa kundi ang ipatong pa ang isang garbage bag sa harapan namin para hindi kami makita.

"Susunod ka rin pala dami mo pang putak."

Sinamaan niya ako ng tingin kahit naluluha na ito....wait, ina-asthma ba siya? Kaya ba para itong aso kung huminga at umubo?! Shit! Paano kung mamatay ito? Mapagkakamalan pa akong murdered eh! Kung hindi ko na sana siya tinulungan edi nakakain na ako ng maayos sa bahay!

My ProtectorWhere stories live. Discover now