Chapter 02

60.5K 1.5K 1.2K
                                    

Chapter 02

To say that my pride was wounded would be the understatement of the century.

Nawasak.

Tinapakan.

Niyurakan.

I immediately wanted to withdraw my enrollment doon sa advance review, but then I told myself na ang kapal naman ng mukha niya and ang influential niya naman sa buhay ko kung irere-adjust ko na naman iyong schedule ko dahil hindi niya lang ako tinext?

So, the next few days, dumadating ako sa class kapag papasok na rin iyong lecturer namin. Nagpapa-save na lang ako ng upuan sa mga sis ko tapos doon na ako didiretso.

I mean, it kinda worked. Nasa likuran ko naman si Lui kaya hindi ko rin siya nakikita. Sure din naman ako na hindi niya ako tinitignan. Fine by me. Naka-survive naman ako ng buong law school life ko na wala siya. I'd be totally fine.

"Sama ka?" Hazel asked me.

"San?" I asked.

"Elyu," she replied.

Kumunot iyong noo ko. "Elyu?" I asked again and she explained na pupunta doon para lang uminom. Kakatapos lang kasi ng mock bar namin sa CrimLaw. It was freaking brutal! Mas lalo lang tuloy ako na-stress sa BAR exam. Kung mock bar pa lang e namatay na iyong brain cells ko, paano pa sa actual exam?

I actually just wanted to go home and sleep, but I hadn't been outside for a while na rin kasi diretso condo and review center lang ako. Na-pressure kasi ako dahil nag-ask iyong Tito ko about sa review ko and if may kailangan ba ako. Parang wala akong room for failure kasi super supportive ng family ko sa akin na tipong ibibigay talaga nila kung anumang support ang kailangan ko. Na kapag bumagsak ako, ako talaga iyong problema.

"Next time na lang," I replied. "I just want to sleep."

"Okay," Hazel replied tapos ay kausap niya na iyong ibang mga kasama nila sa Elyu. I saw her talking to some of Lui's friends. Baka goods na rin na hindi ako sumama kasi baka kasama doon si Lui. I had been trying my best to avoid him kasi wala lang. Hindi pa nakaka-recover iyong pride ko na hindi niya pinansin iyong sticky note ko. Feel ko naman at one point ay makaka-recover din ako, but definitely not now.

Nauna na silang lumabas while I had to go to the office to ask about the mentorship program. Nung nagtake kasi ako ng mock exam sa Remedial Law, parang na-shock iyong buong pagkatao ko dahil wala akong nasagot halos. It was no surprise na 55% lang iyong grade ko sa mock bar. 75% pa naman iyong passing sa mismong BAR exam tapos wala dapat grade lower than 50% sa mga subjects.

Ano ba 'yan—my stress is through the roof na.

May kausap pa iyong kailangan ko kausapin sa office kaya naman nandon muna ako sa labas. I was just standing doon sa usually tinatambayan nung mga naninigarilyo. I don't really smoke—and ako ata iyong minority kasi halos lahat ng kakilala ko sa law school ay naninigarilyo.

So, I was just standing there, contemplating my life choices, when I heard someone behind me. Napa-tingin ako sa likuran ko and saw that Lui's standing behind me with a stick of cigarette and a lighter on his hand.

I just gave him a small nod. Ayoko lang magsalita around him kasi feel ko ipapa-hamak ako ng bibig ko.

"Di ka sumama sa kanila?" he asked.

"Nope," I simply replied. "You?" I asked again because he took a few more steps hanggang sa magkatabi na kami. He put the cigarette in between his teeth and then tried to light it up. I knew that I shouldn't gawk at him like a freaking idiot, but why was that so hot?! Ni ayoko sa naninigarilyo, but with him, baka ako pa ang magsindi ng sigarilyo niya.

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon