Chapter 28
I had thankfully never been bullied in my life.
Nung elementary at high school, hindi ako na-bully dahil una, alam nila na maraming abogado sa pamilya ko. Subukan lang nila. Pangalawa, marunong naman kasi akong makisama. I mean, granted na maarte ako, pero I'd been told na hindi naman ako iyong tipo na maarte na nakaka-irita. I just like nice things, sue me!
Nung college at law school, okay din naman ako. I joined certain organizations. I made lots of friends. I flirted with lots of guys. I made some enemies, but it wasn't that serious. I mean, how could it ever be serious kung sila lang naman iyong galit sa akin tapos ako, wala naman talagang pakielam?
I had never viewed my work life as my everything. It's just something I do kasi parang kapag hindi ka naman galing sa generational wealth, required kang magtrabaho. I'm just doing what's expected of me. I never viewed office as my home and the people here as my family. They're my colleagues. I get that. Hindi naman required na maging friends kami.
But I was comfortable here.
Pumapasok ako araw-araw na alam ko na kahit maraming ginagawa, at the end of the day, these people have my back—at least professionally.
Not lately, though.
I felt like everyone's out to get me and were intentionally trying to sabotage me.
"Atty. Hernaez."
Napa-tingin ako sa nagsalita. Oh, at least kilala pa pala nila ako. Ilang araw na na para akong multo dito na hindi nila nakikita. Walang kumakausap sa akin. Kapag may ipapagawa sila, ibabagsak lang nila sa lamesa ko na para akong robot na required magproduce ng pleadings.
I didn't know if Lance put them up to this o kumalat lang iyong ginawa ko sa mga chismosang paralegal sa CR. I guess ayaw na nila akong kausapin nung nagbanta ako na kakasuhan ko sila ng slander. I mean, petty na kung petty pero kung 'di nila ako papayagan sa litigation, ako na lang gagawa ng sarili kong kaso at maglilitigate non.
"What?" sagot ko sa kanya. I knew I sounded rude, but they were rude to me first. What? You want to be rude to me yet you expect me to treat you nicely? Baliw ka ba?
"Na-delay daw 'yung flight pabalik ni Atty. Sarmiento kaya 'di siya makaka-attend sa hearing niya."
Naka-kunot iyong noo ko habang hinihintay siya na makarating sa point niya. So? Ano naman kinalaman ko kay Atty. Sarmiento? At sa na-delay niyang flight?
"Ikaw daw pumunta sa may court saka magfile ng motion for resched," sabi niya bigla sa akin tapos ay tumalikod na parang... iyon na 'yon?
I tried to go after her to tell her na 'di naman ako iyong may hawak nung kaso na 'yon. I literally have no idea kung ano iyong kaso na sinasabi niya na irerequest ko na i-resched. Ang sinabi niya lang sa akin ay iyon lang daw ang instruction sa kanya.
Seriously? Sa firm na 'to na ang dami-daming lawyer na 'di hamak na mas may alam sa akin sa litigation, ako talaga ipapadala nila doon para magmotion?
But it was of no use.
Kinuha ko iyong files na iniwan niya sa lamesa ko. Dala-dala ko 'yon habang naglalakad ako sa hallway palabas ng firm. Ilang araw na rin 'tong nangyayari. Halos nasasanay na ako na tinitignan nila iyong bawat galaw ko na para bang ako ang pinaka-interesting na bagay sa firm na 'to. I ignored them all. Konti na lang at makaka-alis din ako dito.
Agad akong nagpunta sa may court kung saan gaganapin iyong hearing. Pagdating ko roon, ilang minuto na lang ang meron ako bago magstart iyong sa may kaso na pinapaayos sa akin. I sat there and still tried to browse through the documents. My heart was racing inside my chest—alongside with fuming.
BINABASA MO ANG
Game Over
Romance(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kailangan niya lang pumasa sa school at pumasa sa BAR exam. Madali lang naman iyon lalo na kung wala ka...