Chapter 24

51.6K 1.1K 322
                                    

Chapter 24

Curiosity was killing me.

Ano ba iyong meron sa frat ni Lui?

I mean, given naman na hindi mapapagkatiwalaan iyong mga tao doon. I know some of them and yeah, if you put me in a room with guys from that frat? I'd scream murder. But that's because that's me. Babae ako. Saka hindi naman nila ako member. Pero si Lui? As far as I'm concerned, you join voluntarily...

Tsk.

Nakaka-curious talaga.

I could always ask around naman, but I refuse to. Kasi kapag nagtanong ako sa iba, malalaman ko naman. Pero may malalaman na naman ako tungkol kay Lui. Baka maisip ko na naman na kilala ko siya kahit sa totoo lang, wala naman talaga akong masyadong alam sa kanya.

He's always been a mystery to me—like a blank canvass... kaya siguro ako na lang din iyong nagkulay. I could make him into anything because I truly had no idea on what's he really like. And even before when we were hanging out, he's always kept me at an arm's length.

What a mystery you are, Luisito Ruiz Valladares.

When Monday came, kabadong-kabado ako dahil sa first court appearance ko. I did my due diligence naman. Nagbasa talaga ako ng tips and techniques for litigation. Binasa ko lahat ng documents ko. I reviewed my arguments.

Theoretically speaking, ready ako... but gosh, my nerves!

Maaga akong dumating sa court dahil ayoko na ma-late ako. Ang unpredictable pa naman ng Manila traffic. Besides, nai-forward ko naman iyong deliverables ko kaya hindi ako kailangan sa office ngayon.

Naka-upo lang ako sa labas ng court. I checked the court schedule for today. Nakita ko iyong kaso na hawak ko. I felt this... excitement. Iba talaga ang litigation. Ito iyong iniisip ng mga tao kapag sinasabi na lawyer. Iyong pupunta sa korte at magsasabi ng 'objection, your honor' hindi kagaya nung ginagawa ko talaga na nagddraft ng pleadings.

I felt like someone was staring at me kaya naman napa-tingin ako sa paligid ko. Napaawang iyong labi ko nang makita ko si Lui na naka-tingin din sa akin. He was wearing a short-sleeved barong, black slacks, black loafers. May hawak din siya na brief case.

Alam ko na maliit lang ang mundo, but seriously? Ang dami-daming korte dito sa Maynila!

Naka-tingin ako sa kanya. I was debating as whether I'd be the one to break the silence or whatever. Para kasi kaming clown dalawa. Tuwing nagkikita kami, parang may bet kami kung sino ang may last word dapat. Tapos magtatagpo na naman ang landas namin.

Para kaming pinagttripan ng tadhana.

Lui didn't say a word as well. Tulad ng ginawa ko, dumiretso siya doon sa may calendar. Nagcheck din ata siya kung nandon iyong kaso niya. And as he was doing that, napaisip ako nung mga panahon na nagrereview pa lang kami sa BAR. Tapos, nandito na kami? Hindi pa naman ganoon katagal iyong lumipas na panahon pero parang ang layo na namin.

Nang matapos siyang tumingin doon ay naupo siya sa kabilang dulo nung bench. Medyo mahaba iyon kaya magkalayo kami. Kami lang iyong tao dito. Ang aga pa rin kasi.

I tried to focus on reading, pero hindi ako mapakali dahil nasa paligid ko lang siya. I really tried to mind my own business, but after a few minutes, I gave in and told myself na sisilip lang naman ako.

Pero agad akong napa-iwas ng tingin nung sabay na nagka-tinginan kami. Ano? Curious din siya sa ginagawa ko? O baka naman nahalata niya iyong kaba ko? That must be it, right? Because after everything he did and said to me, impossible na may gusto siya sa akin.

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon