Chapter 34

83.8K 1.4K 238
                                        

Chapter 34

Hindi pa ako nakaka-tayo ay naramdaman ko na agad iyong hawak ni Lui sa braso ko. I turned my head and saw that he still had his eyes closed. Naramdaman niya lang talaga na tatayo ako?

"Where are you going?" he asked, his voice a bit hoarse.

"Sa labas lang. Gusto kong manood ng sunrise," I replied.

It's been quite a few days.

I'd been really happy... pero mamayang gabi, uuwi na kami. Ewan ko. There's still a part of me that was wondering if things would change pagbalik namin sa Maynila. Kasi baka Bali-bliss lang 'tong nangyayari. Alam mo 'yon? Parang kapag nasa PBB house ka tapos iba rin iyong nangyayari sa outside world?

So, I just wanted to get out for a while and breathe it all in.

Baka kasi bukas, iba na naman ulit.

Napa-kunot ang noo ko nang maupo si Lui sa kama. Kinusot pa niya iyong mga mata niya. Medyo magulo iyong buhok niya, pero bagay pa rin sa kanya. Kahit ata ano may muta pa siya sa mata, gwapo pa rin sa paningin ko.

"Nope, matulog ka pa. Sa labas lang ako," I told him, but he just shook his head and stretched his arms. Napa-tingin ako sa braso niya. Sigurado ako na paborito ko iyong mukha niya, pero parang second place iyong braso niya. Ang ganda kasi talaga. Parang ang sarap kumapit palagi.

Sabay kaming lumabas. Ang tahimik ng paligid. Ang payapa sa pakiramdam. Pero parang mas na-highlight lang iyong katotohanan na pagbalik ko sa Manila, maingay na naman iyong buhay ko.

"Sayang..." I mumbled when I realized na 'di namin makikita iyong sunrise mula dito sa may villa. I turned my head to look at Lui, pero wala na siya sa may tabi ko. I didn't even have the time to look for him dahil bumalik ulit siya. He cocked his head to the side at napa-kunot ang noo ko. "Aalis tayo?" I asked when he showed me the key he was holding.

Si Lui iyong nagsuot ng helmet ko. Naka-yakap lang ako sa kanya habang naka-angkas ako sa motor. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. I didn't even bother to ask. Ganon na ba kalaki iyong tiwala ko sa kanya na tipong kahit saan niya ako dalhin, sasama na lang talaga ako, no questions asked?

Huminto kami sa may kalsada malapit sa beach. It was so quiet na tipong hampas ng alon lang ang maririnig mo. Napa-tingin din ako sa langit at mukhang dito nga sisikat iyong araw.

Minsan iniisip ko kung tour guide ba si Lui sa Bali dahil parang alam niya lahat ng magandang spots dito. Nagbakasyon kaya sila ng ex niya dito dati? Ang dami kong tanong pero ayokong tanungin kasi for sure masisira lang ang araw ko.

Lui and I walked side by side hanggang sa makarating kami sa may dalampasigan. I sat on the sand first, and he quickly followed. Naka-tingin lang ako sa dagat. It reminded me of the time nung dinala niya ako sa La Union. Back then, I had to bite my tongue a couple of times dahil alam ko naman na wala akong karapatan. Ngayon? Sabi niya meron, but still, I had this worry inside me that I couldn't just quash.

"You're awfully quiet," he said.

I hugged my knees close to my chest. "Ang aga pa. Tinatamad pa akong magsalita," I reasoned.

"Okay," he replied, but he didn't sound like he bought my explanation.

Napa-tingin ako sa kanya. "Why? I asked.

Napa-tingin din siya sa 'kin. I counted the seconds in my head, waiting for him to speak his mind. "You have the tendency to overthink things," he said.

"Do I?"

He nodded. "Most of the time."

"Parang hindi naman," sagot ko sa kanya. I didn't break the stare. "I guess I only overthink when it comes to you."

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon