Chapter 35

66.2K 1.2K 363
                                    

Chapter 35

I really tried not to overthink things nung hindi kami nagkita ni Lui nung gabing 'yon. He did call me and explained na dahil umalis siya ng ilang araw, ang daming natambak na pending na kailangan niya na talagang tapusin. He even offered to FaceTime me para ipakita iyong pending work niya, but I didn't want to be the overbearing kind of girlfriend... although that would've really worked. Iniisip ko kasi talaga na kaya ayaw niya na magkita kami ay dahil alam niya na iinterrogate ko siya sa kung bakit ayaw niyang sa prosecution ako magtrabaho.

Instead of overthinking things, I decided to just prepare for my job interview. This is basically my first official job interview kasi iyong sa last work ko, basically shoo in na ako dahil kay Lance. Siguro kaya mas gusto ko rin dito. Kapag kasi doon ako sa binigay ni Lui na list, one way or another, parang may iba na naman na nagbigay sa akin ng work. At least dito, ako talaga.

Ang sarap sa pakiramdam kapag alam mo na ikaw talaga iyong nagpaka-hirap sa kung anuman ang meron ka.

I called some friends na sa prosecution and government din nagwowork. They all basically told me na makukuha ko iyong trabaho dahil top 1 ako. Still, I didn't want to be overconfident. Hindi naman kasi talaga basis iyong ranking ko sa BAR exam. That was theoretical—ibang-iba kaya iyong sa practice. Kaya nagreview pa rin ako, and it worked on my favor kasi nawala sa isip ko kahit papaano si Lui.

'Good luck on your interview.'

Napa-arko iyong kilay ko nang mabasa ko iyong message niya. It's been two days simula nung maka-balik kami sa Manila. Two nights na rin siyang overtime. Friday na ngayon tapos weekend na bukas. Ano na naman kaya ang sasabihin niya sa akin para 'di kami magkita?

'Thank you,' I replied kasi tina-try ko 'yung pagiging mature. He did tell me not to overthink things and to just take his words and actions at face value. Medyo mahirap, but whatever. Kailangan ko na talaga ng trabaho dahil ayoko na sa kanya umiikot iyong mga iniisip ko lagi. Hindi healthy.

'Let's get dinner later to celebrate.'

'?'

'Haha cute. Will see you later. Good luck, baby.'

Ugh.

Lecheng 'yan. Isang baby lang sa akin e tiklop agad ako. Fair ba 'yon?!

Nagreact na lang ako ng heart doon sa message niya. Ayoko talagang magsimula ng away or whatever kasi baka isipin ni Lui ay nagkamali siya na gawin niya akong girlfriend at tama iyong intuition niya nung nagrereview pa kami na 'wag akong gawing girlfriend dahil magulo akong tao.

Tsk.

Siguro dapat nagboyfriend na rin ako dati... Kasi hindi ko talaga alam kung paano umakto. Like in theory, I know what to do... pero ang hirap kontrolin ng sarili ko around Lui. Kaya siguro sa aming dalawa, mas controlled siya kasi galing na siya sa longterm relationship. Alam niya na iyong kailangan niyang gawin habang ako, hindi alam kung paano aakto sa harapan niya.

Hirap talaga kapag matanda ka na naglovelife, e.

Pero instead na isipin ko 'yon, dumiretso na ako sa job interview ko. I arrived 30 minutes earlier than the scheduled time. Nagcoffee shop muna ako habang naghihintay. I got myself a decaf coffee since I was trying to cut back on my caffeine intake dahil pakiramdam ko ay addicted na ako sa kape. While waiting, nag-online shopping muna ako para kumalma naman ako kahit papaano.

"Good morning," bati ko pagdating ko doon sa interview.

"Ready ka na?" I nodded kahit hindi ako ready talaga. Kumunot ang noo ko nung abutan ako ng papel at saka ballpen. Napa-tingin ako sa kanya na gulung-gulo iyong mukha ko. "That should be easy," he said instead.

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon