Chapter 20

50.3K 1.3K 485
                                    

Chapter 20

I felt so lost—both personally and professionally. Akala ko dati ay swerte ako dahil ayos lang naman talaga sa akin ang kahit na ano... I went to law school because my family told me that it'd be nice kung magiging abogado din ako. I accepted the job kasi sabi sa akin ni Tito sayang naman daw kung hindi ko i-grab iyong opportunity.

I'd been saying yes to almost everything.

Akala ko okay 'yon... but lately, I'd been feeling so lost. Sa kaka-oo ko sa lahat ng bagay, parang hindi ko na alam kung ano talaga iyong gusto ko.

"Bakit 'di ka sa boyfriend mo nagtanong? 'Di ba successful na lawyer 'yon?" Tito asked me nung umuwi ako sa amin para magtanong sa kanya ng advice niya sa kung ano ang pwede kong gawin. Nakaka-pressure na rin kasi kapag lagi akong tinatanong kung saan ako magfofocus. 'Di naman daw pwede na lagi lang akong shifting sa kung saan mang department ako kailanganin.

I just smiled. "Busy sobra, Tito," sagot ko na lang.

I knew I could've asked Lance, but I also knew kung ano ang magiging sagot niya. He'd tell me to go for Corpo or go for Arbitration. I could already imagine him telling me to go where the money is.

Hindi ko alam kung kilala ko na ba talaga si Lance o alam ko kung nasaan lang talaga iyong priority niya kaya alam ko na kung ano ang sasabihin niya sa akin.

"Masaya naman ako sa work ko, 'To, kaya lang parang... repetitive na," I explained as best as I possibly could. 'Di ko rin kasi ma-point out kung anuman ang gusto kong gawin sa buhay ko.

"Ano ba'ng gusto mong mangyari?"

I shrugged. "Yung may sense ba..."

"PAO?"

"May contract pa ko, e."

"Hintayin mo matapos."

"I know... kaya lang ilang buwan pa rin," sabi ko sa kanya.

"May legal clinic 'yung IBP mo. Pwede kang magvolunteer doon," sabi ni Tito. "Palagay ko e mag-e-enjoy ka kasi doon mo ma-e-encounter iyong problema ng mga normal na Pinoy. Sa trabaho mo kasi mukhang puro kumpanya kliyente mo, e."

I heeded Tito's advice. Pagbalik ko sa Manila, I contacted my IBP chapter to ask kung paano magvolunteer doon sa legal clinic. I was told that I could go there on the weekend. Apparently, I just needed to answer the legal queries nung mga pupunta doon. It's a free work. Walang bayad. Something that Lance wouldn't probably do... kaya 'di ko na lang sasabihin sa kanya siguro. Feel ko kasi sasabihan pa ako non na mag-seminar na lang o kaya ay magtake ng masteral kung ganitong may time pa pala ako sa weekend magvolunteer.

"Do you have plans tomorrow?" Lance asked nung daanan niya ako sa office ko. It was already 10PM. Kaka-tapos ko lang sa trabaho ko. I mean, it's still late, but it's an improvement kumpara sa dati na madaling-araw na akong nakaka-uwi.

I nodded.

"Oh," sabi niya. "I wanted you to come with me."

I just shrugged at him. I didn't even need to ask dahil sigurado ako na networking dinner na naman iyong pagdadalhan niya sa akin. Kakilala ko na ata lahat ng judge at kung sinu-sino pa rito sa Manila. Lance introduced me to basically everyone he thought I must meet.

"Maybe next time," I told him.

I appreciate what Lance was doing. Alam ko naman na hindi lahat ng tao, generous sa connections nila. But with him, pinapakilala niya talaga ako sa lahat ng tao na alam niyang makaka-tulong sa paglago ng career ko... Ako naman iyong problema, e. I just needed to do something... worthwhile.

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon