Chapter 46

54.3K 1.1K 275
                                    

Chapter 46

"I didn't do anything!"

Hindi ako maka-hinga.

Pasikip nang pasikip iyong dibdib ko.

My hands were trembling as I began to unbuckle the seatbelt. I needed to leave. I couldn't breathe. Nanlalamig iyong buong pagkatao ko habang patuloy kong naririnig iyong balita tungkol sa nangyaring pananambang. Ni hindi nila kailangang bigyan ng pangalan para malaman ko kung kaninong sasakyan iyong tinutukoy nila.

I knew this would happen.

Dahil kung kaya nilang bilhin iyong mga judge at prosecutor noon, sino ba ang nagsasabi na hindi nila kayang pumatay ng witness? But I thought wrong. Masyado akong umasa na dahil nandyan sila Vito—

I flinched as Lui tried to hold me to calm me down.

"My god, Lui! Kaibigan mo sila Vito!" I shouted as realization dawned on me na kasama sa sasakyan na 'yon sila Niko at Vito. Mas nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko iyong dahilan kung bakit pinuntahan niya ako sa unit... kung bakit may kakaiba akong pakiramdam kanina... na para bang pinipigilan niya ako na pumunta doon.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

"You knew... that this... would happen."

Agad siyang umiling. "I didn't—"

"Don't touch me!" I said as he tried to reach me once again. Nanginginig ang kamay na muli kong sinubukang tawagan sila Niko. Pasikip nang pasikip ang dibdib ko sa bawat segundo na hindi nila sinasagot iyong tawag ko.

Oh, god.

Why did this keep on happening?!

Dahil lang sa isang tao?!

Gagawin nilang lahat 'to para lang pagtakpan lahat ng kababuyan ni Villamontes?!

I got out of the car. Wala akong pakielam kung magmukha akong tanga o baliw dahil bigla akong lumabas sa sasakyan habang nasa gitna kami ng kalsada. A traffic enforcement tried to reprimand me. I showed him my IBP ID. I hated people who use their privilege to get away with things, but I didn't need anyone getting in my way now.

Agad akong pumara ng sasakyan.

"San po tayo, Ma'am?"

Hindi ako maka-sagot.

Saan ako pupunta?

Sa korte?

Kina Assia?

Kay Jersey?

Sa morgue—

Muli akong huminga nang malalim. I needed to get it together. I didn't have the luxury of breaking down.

I told the driver to bring me to the court. Habang nasa sasakyan ako ay panay ang pagtawag ko sa numero nila Vito. They're not dead until I see their lifeless bodies with my own eyes. Until then, walang patay. I refuse to even entertain the possibility dahil hindi ko alam kung paano ako aahon kapag nalaman ko na lahat sila ay wala na.

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang sagutin ni Niko iyong tawag ko.

"Niko?" I said. I needed to hear his voice. I needed him to confirm to me that he's alive.

"Y-yeah. I'm s-sorry. I saw your calls—"

"Nasan ka? Nasan kayo? Kasama mo ba sila Vito?"

Sinabi sa akin ni Niko iyong nangyari. Na dapat ay sasabay siya sa sasakyan kasama sina Patricia, pero tinawagan siya ng nanay niya at natagalan sila sa pag-uusap kaya hindi sila naka-sakay doon.

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon