Chapter 15

47.9K 1.3K 536
                                    

Chapter 15

I did as I was told—and it wasn't as if may choice ako kasi lagi din akong chine-check ni Atty. Serrano tungkol sa progress ko. We'd meet once every two weeks. He asked me prior kung ano iyong mga topics na nahihirapan ako. Then he'd give me a one on one lesson tapos ay may pa-exam din siya.

"You don't always have to use the ALAC method," sabi niya after niya basahin 'yung isang sagot ko. "For questions like this, you can just directly cite the provision after you answered with a yes or no," he explained. "Kapag sigurado ka sa sagot, idiretso mo na kaysa magpaliguy-ligoy ka pa."

Tumango ako habang nagpapaliwanag pa siya sa mga pwede ko pang iimprove.

"Thank you, Sir," sabi ko nung natapos kami. Alam ko naman na madami siyang ginagawa sa trabaho niya, but he still made time to help me.

He just gave me a small nod. "Last stretch," he said. "I know it's hard, but topnotcher is forever."

"Ano'ng pakiramdam, Sir?" I asked. Napa-tingin siya sa akin. "Ng top 1?"

"Like I'm on the top of the world," he replied. "Dadami din iyong mga kaibigan at kamag-anak mo bigla," pabirong dugtong niya kaya naman natawa ako.

"Baka ikaw lang kasi 'yung kakilala nila na lawyer, Sir," sagot ko na lang sa kanya. Kapag abogado na ako, I honestly wouldn't mind iyong mga magtatanong sa akin... of course as long as hindi naman sila demanding. Ang hirap din kayang mag-isip. Saka ang hirap din kaya magbigay ng legal advice lalo na kapag 'di mo naman alam lahat ng facts sa kaso. Mamaya mali pa masabi ko tapos mapahamak pa sila dahil sa 'kin.

Tsk.

Bakit ba iniisip ko na agad 'to e hindi pa nga ako nakaka-pasa sa BAR?

"What's your plan?" biglang tanong ni Sir. "After the BAR."

I shrugged. "Wala pa, Sir," sagot ko sa kanya. Nakita ko na naman iyong bahagyang pagkunot ng noo niya. Sobrang opposite ata kami nitong si Atty. Serrano. Base sa pagkakakilala ko sa kanya, siya iyong tao na bata pa lang siguro e planado na lahat ng gagawin niya sa buhay. Siguro naka-plano na sa kanya maging law student tapos ay magtop sa BAR.

I slightly tilted my head to the side. "BAR bet ka nung time mo, Sir?"

Bahagya na naman siyang natawa. "Seriously, Italia, you talk about 'my time' as if I'm decades older than you."

I just gave him a small smile. Nung merong 'something' sa amin ni Lui, for a moment, naging delulu talaga ako. Aaminin ko naman. Kaya dito kay Atty. Serrano, ayokong maging delulu... But he's so nice to me and he always goes out of his way to help me. Alam ko hindi naman ganito kapag mentor. Kasi iyong mga kakilala ko dati, hindi naman ganito. At most, they'd get one dinner the whole BAR season with their mentor.

Kaya lagi akong gagamit ng po just to remind the both of us na may pader sa pagitan namin.

I just refused to be that girl again.

"But yes, I was the 'BAR bet,'" he replied with air quotes.

"Nakaka-pressure siguro noh, Sir? Na ang daming nag-e-expect sa 'yo."

Umiling siya. "On the contrary, it pushes me to do better," he said tapos ay tumingin siya nang diretso sa mga mata ko. "You're my BAR bet."

Bahagyang napaawang iyong labi ko. But then I quickly regained my composure at saka ngumiti lang ako sa kanya. "Nakaka-pressure naman 'yan, Sir, pero I will do my best."

And I did exactly that.

I studied day in and day out. I would wake up at 7AM and begin studying. Kapag magbbreak ako, I would make sure na 15 minutes lang tapos ay balik na ako sa pag-aaral. I would only take a half-day break tuwing Sunday kapag pupunta iyong family ko para magdala ng pagkain para sa 'kin.

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon