Chapter 45

54.1K 1K 311
                                    

Chapter 45

Akala ko sobrang tanga ko na sa pag-ibig... mali pala ako dahil hindi ko pa nakikilala si Vito. Kalagitnaan ng gabi nung tawagan niya ako para tanungin tungkol sa progress ng kaso. Kasama ko si Lui. Tinutulungan niya pa rin ako sa kaso. Tama naman siya na abogado man sina Vito, pero iba pa rin kapag criminal lawyer at sanay sa litigation iyong kasama ko.

"What?" I asked nung banggitin niya iyong plano niya na lumabas sa TV at magbigay ng pabuya. Napa-tingin sa akin si Lui na naka-kunot ang noo dahil sa biglang pagbabago ng tono ng boses ko.

Vito went on to tell me that he knows for a fact that Villamontes did this before already. That he won't stop hanggang walang lumalabas na ibang biktima ni Villamontes. That he'd do anything para maka-labas si Assia sa kulungan.

Sa tono pa lang ng boses niya ay alam ko na na desidido siya. Anuman ang sabihin ko ay hindi siya makikinig. I didn't even know why he bothered to tell me about this.

Nang matapos iyong usapan namin ni Vito ay naalala ko na kasama ko nga pala si Lui. He was looking at me like he was waiting for me to tell him kung ano iyong pinag-usapan namin ni Vito. Still, after all this time, halos hindi pa rin siya nagpapakita kina Vito—lalo na kay Niko. He's acting all sketchy kapag nababanggit ko sila sa kanya.

"What?" I asked when I saw him staring.

"What did he say?" he asked back. Mukhang curious talaga siya kaya hindi niya mapigilang magtanong.

"That was Vito."

"I know," he quickly replied like he wanted me to just straight up tell him kung ano iyong sinabi ni Vito para magreact ako ng ganon kanina.

"He said that he'll go on national TV and offer money for any victims of Arthur to come forward," sabi ko. "He's offering ten million per victim. I'm certain it'll only take quite some time before someone comes forward," dugtong ko. Malaking pera iyong sampung milyon. Sigurado ako na sinira ni Villamontes ang buhay ng mga biktima niya kaya malaking bagay iyong pera na 'yon.

"And you advised him to go ahead with it?"

Napa-kunot ang noo ko. "It's his money," I told him. "Besides, I highly doubt na makikinig siya sa sasabihin ko."

"You're the lawyer."

"And he's a fool in love—talo na agad ako."

I didn't understand, like always, kung bakit ganito iyong reaksyon ni Lui. He left shortly after that. I didn't even bother to ask him why. At this point, naghihintay na lang ako. Naniniwala talaga ako na walang sikreto ang hindi nabubunyag kaya malalaman at malalaman ko rin kung anuman ang tinatago niya. Until then, I'd focus on giving my all sa kaso ni Assia.

"You sure about this?" I asked Vito bago siya humarap sa media.

"Yes," he replied. "Why? Will you stop me?"

"No," sagot ko.

"Can you say for certain that you can win Assia's case if I don't do this?"

I wanted to tell him yes, I was confident na kaya kong ipanalo ang kaso na 'to. But I'd be lying if I say that... mahirap talaga ipanalo ang self-defense lalo na at walang history si Villamontes dahil laging dismiss iyong mga kaso niya dati. This was actually the first case against him kahit marami na siyang kagaguhan na ginawa.

Also, I knew that more than anyone na pagdating sa mga ganitong kaso, lalo na kapag involved ang makakapangyarihang tao, hindi mo pa rin masasabi.

But it's not my story to tell or not to tell... kaya nga hindi ko rin sinasabi kina Vito iyong tungkol sa client ko dati. I did reach out to her. She left me unanswered. It wasn't like I could blame her. Sinubukan niya na dati... walang nangyari. I perfectly understood kung nawalan na siya ng tiwala sa sistema. I would, too, kung sa akin nangyari 'yon.

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon