Chapter 48
I didn't know kung sino ang pwede kong kausapin tungkol dito. The more that I read the files that Lui gave me, parang mas lumiliit lalo iyong mundo ko.
They're everywhere.
Suddenly, I felt so naive and stupid. Ilang beses kong sinumbatan si Lui na wala siyang ginagawa at hinahayaan niya lang mangyari ang lahat. I called him complicit—called him evil. Pero ngayon na nakikita ko na kung sinu-sino ang mga kasama dito? I understood. I understood kung bakit wala siyang magawa.
Kasi ganon din naman ako... kaya nga nangyari lahat ng 'to. Nung mga panahon na alam ko kung ano iyong dapat kong gawin, pero hindi ko magawa dahil naka-tali iyong mga kamay ko.
Lui's in that exact same position.
Hindi sapat iyong linggo na ginugol ko para basahin lahat ng files. Siguro kung makikita ng mga magulang ko iyong condo ko, ipapasok na nila ako sa mental institution dahil para na akong conspiracy theorist. Ang daming litrato na naka-dikit sa pader ng condo ko. I just wanted to make sense of it all—kung paano sila naging magka-konekta kahit nasa magkakaibang sector sila.
I was obsessed with this web of crime. Ang daming pangalan. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Pakiramdam ko ay tuluyan na akong tatakasan ng bait kung wala akong makaka-usap tungkol dito. I wanted to talk to my friends, but I was afraid... Ayokong madamay sila dito. Even with my family, I had to beg and break down in front of my family para lang pumayag sila na pumunta sa ibang bansa.
I felt so alone. I kept on searching for someone na pwede kong maka-usap... hanggang sa maka-basa ako ng balita tungkol sa isang online post kung saan nabanggit iyong karamihan ng pangalan na kasama sa file na binigay sa akin ni Lui.
Mauro Eugenio dela Rama
I tried to search more about him, pero wala akong makita maliban sa kung saang school siya nag-aaral. Nang makita ko na sa Brent siya nag-aaral ay agad na naisip ko na puntahan siya doon. And then I was once again reminded of how ironic everything is...
Law school?
Law?
Karamihan sa pangalan na nabasa ko ay galing law school.
Puro kalokohan.
I quietly parked outside and waited hanggang sa maka-labas siya. Nang makita kong nasa labas na siya ay lalabas na rin sana ako para kausapin siya, pero nakita ko na agad siyang sumakay sa isang sasakyan. I knew that I shouldn't follow the car. I wasn't some stalker. But I just needed to talk to him.
Sinundan ko iyong sasakyan hanggang sa makarating kami sa isang condo. I parked in the guest parking dahil hindi naman ako tiga-roon. Hindi ko na rin nasundan kung nasaan sila. I figured I'd just try my luck and ask the reception... kung hindi, I'd just message the admin of Brent. I could still pull some strings given na lagi nilang ginagamit iyong pangalan ko tuwing enrollment.
Umakyat ako sa may reception.
"Hi. Good evening," I greeted. I wore some makeup dahil ayokong matakot iyong mga tao sa akin dahil sa eyebags ko. "Can you call the unit of Mauro Eugenio—"
"What do you need?"
Agad akong napa-tingin sa likuran ko. May isang lalaki na seryosong naka-tingin sa akin. I looked up to him as he towered over me. Who the fuck was this?
"What?"
"Why are you looking for Mauro?" tanong niya.
"Sino ka ba?"

BINABASA MO ANG
Game Over
Romance(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kailangan niya lang pumasa sa school at pumasa sa BAR exam. Madali lang naman iyon lalo na kung wala ka...