Chapter 3 - The Archer & Him

11 3 0
                                    

CHAPTER 3 - THE ARCHER AND HIM

Racey Grace Molina

Pinahid ko naman iyong iilang luha ko na umalpas dahil sa kakatawa. Someone just made his own version of singing Chandelier and he can't hit the notes right. And then later on, he said that he's actually not a singer but a dancer. Then he started dancing like a chicken and then keeps on twerking to the song Chandelier. Feeling ko tuloy baka comedian talaga siya at hindi ito dancer.

"Nakakatawa siya, hindi ako maka-recover.", tawa pa rin nang tawa ang iba kaya natatawa nalang din ulit ako.

"Hoo! We need to stop may magp-perform na.", sabi ko kina Leigh kaya nagsipaghingahan naman sila ng malalim para matigil na ang kakatawa.

"What his name nga ulit?", tanong ni Arin.

"Fernie raw sa umaga, Fernando sa gabi.", sagot ni Demi at nilaliman niya pa ang boses nang sabihin nito ang Fernando sa gabi kaya mas lalo lang kaming natawa.

Napabaling naman kami sa harap nang may magsalita na. Agad ko namang napansin na iyon yung mga kasama ni Vaughn sa table. Tiningnan ko naman iyong mga magp-perform at napansing lahat sila ay may mga itsura. Well, lahat naman ata ng mga narito ay may itsura.

"Ey, melodians. It's nice to see you all here.", ani nung may hawak ng gitara.

"We are the Archer.", napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi nito saka lumingon kay Aileen.

"Hindi iisang tao iyong Archer na sinasabi mo?", umiling naman ito saka parang ngumiti na parang baliw sa harapan. Tiningnan naman ako nina Sally kaya inilingan ko ang mga ito.

"I am Minkyu.", pakilala nito sa sarili. Sumunod naman iyong drummer saka iyong nasa may keyboard.

"I am Wave.", pakilala nung drummer.

"And I am your one and only babe, Jayce.", kumindat naman ito sa audience kaya naghiyawan ang lahat. Kahit si Aileen ay parang nakikipagtaasan pa ng boses habang tumitili.

"Umayos ka nga.", sabi ko sa kanya matapos ko siyang batuhin ng tissue. Nginusuhan niya naman ako kaya ako naman itong napangiwi.

"You can either dance or sing with us. If you're interested in knowing someone, you can ask them to have a dance with you.", sabi nung Minkyu kaya napatingin naman ako sa paligid.

[Until I Found You by Stephen Sanchez]

'Georgia, wrap me up in all your
I want you in my arms'

'Oh, let me hold you
I'll never let you go again like I did'

May ilang sumabay sa pagkanta habang may iilan din nagsitayuan para sumayaw. Nagtinginan naman kaming anim.

"Do you think someone would ask us to dance?", tanong ni Arin at nagkibit balikat naman ako.

"Depende kung may maglalakas loob.", sagot naman sa kanya ni Leigh. Bumaling nalang ako sa harap saka sumabay sa pagkanta.

'Oh, I used to say
I would never fall in love again until I found her'

'I said, "I would never fall unless it's you I fall into"
I was lost within the darkness, but then I found her'

"And it seems someone's about to get her first dance here in the camp.", sabi naman ni Sally saka nila ako tiningnan.

May itinuro naman si Aileen sa likuran ko kaya napatingin ako dito. Napakurap-kurap naman ako nang makitang papunta dito si Vaughn.

Melodial Summer Camp: The BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon