CHAPTER 4 - THE FIRST NIGHT
Racey Grace Molina
The night ended great. Masasarap ang mga pagkain na sinerve nila. Matanong nga si Sir Ace kung anong catering service ang kinuha nila para masabihan ko sina Mommy para sa debut ko.
Nagpa-fireworks display nga sila and sa tingin ko nga baka konti nalang ay mapupuno na iyong storage nitong camera na ibinigay nila sa amin. Kanina pa kaming anim panay kuha ng litrato o 'di kaya'y video.
"Sana magkaka-room mate lang tayo.", bulong ni Arin kaya nagsipagtanguan naman kami.
"Sana nga talaga.", sagot ni Sally habang naglalakad kami papunta sa common room. May bulletin daw ron kung saan nakasulat iyong room numbers namin.
Please, let them be my roommates! Alam ko namang nabanggit ko na ayaw ko sa mga tao but they're kind and genuine. So I'd rather be room mates with them kaysa sa kung sino.
Agad ko namang hinanap ang name ko at nagsipagtilian naman kami nang mapagtanto naming magkakasama kaming anim sa kwarto. Napatingin sa amin iyong iilang melodians but who cares?
Inabot naman ni Arin iyong mga susi. May anim na susi roon at may keychain na mga instruments ang hulma. May mga names na nakalagay ron kaya isa-isa nitong ibinigay sa amin. I got the guitar one.
"Does that mean we were meant to be with each other?", tanong ni Leigh kaya napangiti ako.
"Maybe? Grabeng coincidence naman nito!", sagot ni Aileen.
"Feeling ko nagka-butterflies ako sa stomach dahil dito.", sabi ni Demi kaya napatawa kaming lima. Agad din naman naming tinungo ang room namin. First 2nd and 3rd floors ay sa boys, while ang 4th and 5th naman ay sa girls na.
"May idea kayo kung anong gagawin bukas?", tanong ko kina Aileen since second time na nila ito.
"Hindi namin alam, wala naman kasing sched na binibigay. Kung sasabihin nilang pupunta tayo dun, edi dun tayo. If walang announcement, edi free time natin. Marami namang pwedeng pagtambayan dito. May tatlong studios sa 1st floor. Iyong isa may mga karaoke machines, iyong isa may mga instruments while iyong huli naman ay para sa mga gustong mag-practice ng sayaw.", explain sa amin ni Sally kaya napatango-tango kami.
"May video game room din kung gusto niyong maglaro tapos arcade.", napa-wow naman ako dahil sa mukhang hindi talaga tinipid ang budget nitong camp.
"May garden sa may likod nitong building tapos may fountain. Alam kong hindi niyo napansin kanina iyong tennis at basketball court sa may gilid ng field.", mas lalo naman akong namangha dahil sa sinabi niya.
"Iyong field minsan ginagamit if may malalaking assembly. Meron din namang auditorium sa loob pero syempre mas maganda sa labas since presko ang hangin.", dagdag niya pa. How did my parents got the idea of doing things like this?
"May swimming pool din pala sa may roof deck.", aniya kaya napanganga kaming dalawa ni Demi. Kami lang naman itong nagugulat dahil sa kaming dalawa lang ang first timers.
"Akala ko ay puro sayaw at kanta lang tayo dito. Ang dami palang pwedeng gawin!", tuwang-tuwang sabi ni Demi kaya napangiti ako.
"Every two weeks may sport event. Sabi kasi nila if you want to be an artist, you should be healthy first because the entertainment industry is a tough one.", sabi naman ni Arin na sinang-ayunan ko.
"And every week naman may jamming session. This time, voluntary na iyong magp-perform. Mostly ay by group na iyong nagp-perform dahil nagkakakilala na nga iyong iba.", pagkadating naman namin sa room namin ay agad namang napataas ang kilay ko dahil maluwag ang kwarto.
![](https://img.wattpad.com/cover/362545316-288-k433521.jpg)
BINABASA MO ANG
Melodial Summer Camp: The Bet
Teen FictionFor being grounded ay napilitang sumali sa isang camp si Racey Grace dahil na rin sa mga magulang niya. Sa una ay hindi pa nito alam kung anong klaseng camp ito. She even thought it's only for a few days! Who would have thought that music camps do...