CHAPTER 5 - THE FIRST DAY
Racey Grace Molina
Maaga kaming nagising anim. Naunang naligo sina Leigh at Arin since pwede namang sabay maligo ang dalawa dahil sa may dalawang shower rooms naman. Sumunod naman si Sally at Demi. At panghuli naman kaming dalawa ni Aileen.
May ibinigay na parang uniform iyong staff pero sabi ni Sally ay hindi naman ito need itong suotin ngayon. So iyong isa sa mga t-shirts nalang na may nakalagay na 'Melodial Summer Camp' sa harap tapos may apelyido sa likuran namin. Kulay Black ito kaya pinaresan ko nalang ng white skirt na aabot ang haba sa tuhod ko.
"Tara na, para maganda iyong pwesto ng table na makukuha natin.", sabi ni Sally kaya hinayaan ko nalang na nakalugay ang buhok ko. Actually lahat kami nakalugay lang ang buhok except kay Demi na naka-braid. Halatang expert na ito sa pag-aayos ng buhok.
"Dapat tapos na tayong kumain mga 9am dahil na rin sa baka may announcement bigla. Mas mabuting may laman iyong tiyan natin.", sabi ni Sally saka naunang naglakad palabas.
Dali-dali kaming tumungo sa may parang cafeteria ng building. Yes, may cafeteria iyong camp pero hindi ito open 24 hours. Open lang sila 7am to 7pm. Kaya siguro naglagay nalang din sila ng kitchen tapos mga supplies dun dahil baka may magutom bigla-bigla ng late na ng gabi.
Pagkarating namin sa cafeteria ay napansin ko naman agad na medyo mahaba-haba na iyong pila. Alas otso pa naman sana ng umaga. Mukhang mga early birds iyong iilan sa mga tao dito dahil sa iyong iba ay patapos na sa pagkain.
Halos mga 10 minutes kaming naghintay sa pila before we could have our turn. Typical na breakfast lang naman iyong mga sinerve nila ngayon. Kumuha lang ako ng konting kanin saka kumuha ng tocino, isang hotdog tapos nilagang itlog.
May sunny side up tapos scrambled na itlog din pero mas prefer ko iyong boiled. Binalatan na rin siya so much better. For the drinks ay pinili ko nalang munang magtubig. Habang iyong iba ay orange juice ang pinili. Si Demi lang ang pumili ng gatas.
Namili lang kami ng table sa may sulok kasi pansin kong sinusulyapan kami ng iilan. Hindi ko alam kung anong rason but I'm pretty sure that some of them are talking about us. Pagkaupo namin sa mesang napili namin ay siya ring pagpasok ng grupo nina Vaughn. Umiwas naman kami ng tingin.
"Sila ata iyon eh.",
"Iyong kasama nga nina Vaughn kumain kagabi sa kitchen?"
"Kung alam ko lang talagang nasa kitchen sila kagabi, edi sana bumaba rin ako."
"Win-win talaga ang grupo nila 'no. Iyong isa kasama nila si Molina habang sa mga lalaki kasama nila si Vaughn."
"Crap! Sino naman kaya ang nagkwento patungkol kagabi?", sabi ni Sally kaya napailing naman ako.
"Hayaan mo nalang sila. Hanggang usap-usapan lang naman iyan.", sagot ni Leigh kaya napatango kami.
"Maybe we should avoid them for now kasi baka mas lalong maging takaw atensyon tayo. Delikado, baka pag-initan pa tayo nina Maribelle.", napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi ni Arin.
"Sino naman iyan?", tanong ko kaya napalingon silang lahat sa akin.
"Hindi ako updated sa mga bagay-bagay.", sagot ko sa kanila kaya napangiwi ang mga ito.
"Isa sa mga anak ng mayor. Kambal iyan sila pero harmless naman iyong kambal niya siya lang iyong deadly. Isali mo pa iyong mga minions niya para na nga siyang bumubuo ng kulto.", sabi ni Aileen kaya ako naman itong napangiwi.
"And here comes the devil.", sabi ni Sally kaya napalingon ako sa may entrance at may pumasok naman dun na isang babae at lalaki. May kasunod itong limang babae na may suot na t-shirt na may print sa gitna na mukha nung babaeng nauna. Napaubo tuloy ako.
BINABASA MO ANG
Melodial Summer Camp: The Bet
Teen FictionFor being grounded ay napilitang sumali sa isang camp si Racey Grace dahil na rin sa mga magulang niya. Sa una ay hindi pa nito alam kung anong klaseng camp ito. She even thought it's only for a few days! Who would have thought that music camps do...