Chapter 10 - The Cafeteria Incident

3 1 0
                                    

CHAPTER 10 - THE CAFETERIA INCIDENT

Racey Grace Molina

It's already Saturday and I did my best para maiwasan silang dalawa kahit wala naman akong nagawang mali o ano. I just don't like the idea of keeping them both by my side. Baka mas lalo lang lumaki iyong inis ni Maribelle sa akin.

Alam kong imposible ang pag-iwas ko sa kanila but I still manage to do it dahil na rin sa palaging agaw atensyon ang pinagagawa ni Maribelle. I guess, it's a blessing in disguise ang pagtanggap nila sa kanya.

Kapag natatapos kami sa pagp-practice ng isang scene ay agad akong lalapit kina Sally para hindi nila ako makausap ng kami-kami lang. Kagaya ngayon katatapos lang ng isang scene namin ni Macky kaya agad ko rin siyang iniwan at agad na tumungo kina Sally na gumagawa ng props.

"Wala ba kayong chismis patungkol sa kung ano ang gagawin ng ibang sections?", tanong ko sa kanila at umiling naman sila.

"Alam mo Racey, may napapansin ako.", napalingon naman ako kay Leigh dahil sa sinabi nito. Ano? Alin?

"Ha? Ano naman?", nginitian naman ako nito. Nababaliw na ba siy?

"Feeling ko glowing ka ngayon, may secret skin care routine ka 'no?", aniya naman kaya napa-facepalm ako.

"Akala ko naman ano na.". sagot ko sa kanya at ngayon si Arin naman na ang nagsasalita.

"Ako may napapansin din.", napatingin naman ako dito.

"May iniiwasan ka.". turan niya naman kaya natawa ako ng bahagya.

"Wala ah, sino?", sagot ko sa kanya kaya napatingin silang lima sa akin.

"Iniiwasan mo sila eh.", sabi ulit ni Arin kaya napangiwi ako.

"Hindi nga, imagination mo lang iyan.", sagot ko sa kanya pero mas lalo lang talaga itong napangisi.

"Sino sa dalawa?", tanong ni Sally kaya ako naman itong napangiwi.

"Sila ang sabi niya, edi both ang sagot.", sagot ni Aileen kay Sally kaya napahilot na ako ngayon sa sentido.

"Sino ba pinag-uusapan natin? Hindi ko ba kilala?", tanong naman ni Demi kaya napakamot nalang kami sa mga noo namin. Palagi talagang nahuhuli ang isang ito.

"Si Vaughn saka Macky kasi, Demi.", sagot naman sa kanya ni Leigh kaya napatango-tango naman ito.

"Ay talaga ba? Iniiwasan mo sila? May nangyari ba na hindi ko alam?", umiling naman ako sa sinabi ni Demi.

"Wala, iniiwasan ko lang sila dahil sa ayokong uminit ang ulo ni Maribelle. Kapag mainit iyong ulo niya, magiging mainit din iyong ulo ko. Kaya baka mauuwi lang sa gulo kung sakali man.", explain ko sa kanila pero tumitig lang silang lima sa akin.

"Don't overthink too much, iyon talaga ang rason.", sambit ko kaya nagsipagtanguan naman ang mga ito.

"Okay, pero kung may problema sabihan mo kami ah.", sabi ni Sally kaya tumango naman ako.

"Para maka-resbak kami agad.", dagdag ni Aileen kaya naman napatawa ako.

"Walang problema, kung meron man I'll surely tell you all.", I assured them para hindi na sila mag-isip ng kung ano-ano.

Wala kaming gaanong ginawa these past few days kung hindi ang mag-practice lang. May class kami kahapon ni Tita Faye pero nagbigay lang siya ng tips and advice sa kung anong magandang gagawin.

Hindi niya na pina-perform sa amin iyong inihanda namin dahil gusto niya raw ma-surprise sa Sunday. Kaya nagsabi nalang siya ng mga bagay-bagay na need daw nami pagtuunan ng pansin kapag nagp-perform.

Melodial Summer Camp: The BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon