CHAPTER 14: THE JAMMING DAY PT. 2
Racey Grace Molina
Matapos naman ang performance ni Vaughn ay kumalma rin naman ang ibang melodians. I mean, yes they are good-looking and has good voice but still, pare-parehas lang naman kaming melodians. Siguro kung si Calvin iyong nag-perform baka magwala rin ako.
'Parang hindi ka na-starstruck nung una mong nakita si Vaughn.'
Hindi ko naman mapigilang hindi mapairap dahil sa boses na nagsalita sa utak ko. It this is even normal? Hindi pa naman siguro ako nababaliw, 'no?
"Balik na muna tayo sa kwarto para kunin iyong mga gamit natin. 1pm ang call time natin sabi ni Zico.", sabi ni Arin kaya tumango naman kami.
Bumalik naman kami sa room namin saka kinuha iyong need namin. Hindi ko tuloy alam kung dapat na ba akong kabahan o mamaya nalang. Ipinilig ko nalang iyong ulo ko dahil sa kung ano-ano nalang iyong iniisip ko.
"Iyong theme ata ng section nina Irene ay festival daw. Habang iyon kina Dante ay k-pop.", sabi ni Sally kaya napatango naman kami.
"Iyong sa kina Jam naman parang romance din iyong theme nila. Or parang iyong story nina Romeo at Juliet ata pero may binago lang sila.", sambit naman ni Aileen.
"Kinakabahan na ako.", sabi ni Leigh habang hawak-hawak iyong dibdib niya.
"Kung kanina nagp-palpitate ako sa kilig, ngayon naman dahil sa kaba.", aniya pa kaya napatawa naman kami.
"Sabi nga ni Aileen, nandito tayo sa camp para mag-enjoy. So loosen up, we're gonna slay this one.", sabi sa kanya ni Arin kaya napangiti ako.
May kumatok naman sa pinto namin kaya agad kaming napalingon dito.
"Ah, hi?", bati ni Maribelle sa amin.
"Zico said that we should head downstairs already.", sabi niya kaya agad naming binitbit ang lahat ng gamit na kakailanganin namin. Agad din naman kaming lumabas sa kwarto saka tumungo sa may elevator.
3pm ang start ng program and it's currently 1:17pm. We still have more than an hour to settle everything sa may field. Wala na naman kaming need gawin pa since maayos na naman ang lahat kahapon.
Pagdating namin sa baba ay agad namang chineck ni Zico ang mga dala namin. Tinulungan na rin siya ni Arin at iyong dalawa naming kaklase na nagl-lead sa paggawa ng props. Sila rin iyong nagbibigay ng ideas about our costumes.
After a few minutes ay okay na kaya naman ay agad din kaming tumungo sa may field. Bahagya pa kaming nagulat dahil sa parang ang bilis naman ata nilang mag-set up. May parang pakurbang stage na sa may left side, malawak ito and I think around 60-70 can fit into it. Habang may parang benches na rin na naka-set up na pakurba. It has like 4 rows, and mukhang gawa ito sa steel.
"Angas ah, halata talaga nag-improve itong camp.", sabi ni Sally kaya napatango-tango kami.
May dalawang screens sa magkabilang sides ng stage, and it was a little bit elevated. Mabuti nalang talaga ay maganda ang panahon ngayon, what will they gonna do if uulan? It seems like the heavens are with us today.
May mga plastic chairs naman sa gitnang part. Para na rin siguro kung hindi magkasya ang lahat sa benches, or maybe may mga bisitang darating? Aabot siguro ng isang daan iyong mga monobloc chairs na nasa gitna habang may harap ng stage ay may mahabang table roon.
May sampong upuan ang nakapwesto, maybe may sampong judges mamaya? Nakaka-curious tuloy malaman kung sino-sino sila. Baka iyong mga staffs lang din ng camp or maybe kukuha sila ng mga artists.
![](https://img.wattpad.com/cover/362545316-288-k433521.jpg)
BINABASA MO ANG
Melodial Summer Camp: The Bet
Novela JuvenilFor being grounded ay napilitang sumali sa isang camp si Racey Grace dahil na rin sa mga magulang niya. Sa una ay hindi pa nito alam kung anong klaseng camp ito. She even thought it's only for a few days! Who would have thought that music camps do...