CHAPTER 16: THE WINNER
Racey Grace Molina
After our performance ay nagpunta rin naman kami kaagad sa backstage. Niyakap naman ako nina Arin.
"Ang galing mo! Like habang kumakanta ako parang ang sarap na rin humagulhol.", sabi ni Aileen kaya muntikan na akong mapatawa.
"Kayo rin naman, grabe iyon! Parang nauhaw ako kakaiyak. Namamaga na iyong mata ko 'no?", sagot ko naman sa kanya at tumango naman ito.
"You did a great job, Racey!", napalingon naman ako kay Zico. Siya iyong gumanap na papa ni Pavel kanina.
"Ikaw rin naman.", natatawang sabi ko at nagbigay naman ito ng tubig.
Nagbigay naman din ito ng konting speech saying na ang galing daw ng ginawa naming lahat, and such. Matapos iyon ay bumalik na rin naman kami sa may bleachers at binati naman kami nung iilang katabi namin na taga-ibang section. They have been saying kung gaano raw ka nakakaiyak iyong performance namin.
Ang gwapo-gwapo raw ni Macky pero muntikan na raw nila ito batuhin dahil sa ang sama-sama ng character niya sa parang play namin. Napapailing nalang tuloy ako. Hindi ko naman ipagkakaila na masama iyong character ni Macky sa performance namin, but still, nagmahal lang naman siya. Iyon nga lang, ay mali iyong paraan niya ng pagmamahal.
May mga sandwiches naman na dinistribute sina Zico kaya kumain nalang din kami. Mukhang may break pa ata ng mga 10 minutes before magsisimula iyong huling intermission. Sino naman kaya ang magp-perform? Wala namang pumasok kanina sa may backstage kaya wala rin kaming clue kung sino-sino ang magp-perform.
"Sa tingin niyo sino-sino kaya ang magp-perform?", tanong sa amin ni Aileen.
"Baka international artist? Bigatin na naman iyong ibang judges ah.", sagot ni Leigh kaya napaisip naman ako.
Hinanap ko naman sa may harap sina Mommy at Daddy baka sakaling mapatingin ang mga ito sa gawi namin. Pero wala roon si Daddy, si Mommy lang. Nasaan kaya siya?
"Baka si Calvin lang din ang magp-perform? Nawala siya sa may chair niya oh.", puna ni Sally kaya napatingin naman kami saan nakapwesto kanina si Calvin. Wala nga ito pero agad din naman kaming napabaling sa may harap nang may tumugtog na. Napanganga na lamang ako nang makita ko kung sino-sino ang magp-perform.
"Oh my gosh!"
"Is that Mayor Hunt?"
"Si Calvin! Aaaaaah!"
"Ang pogi ni Sir uy!"
"Mas pogi iyong daddy ni Racey!"
Hindi ko alam kung anong ir-react ko nang makita sina Daddy, Sir Ace, Mayor Hunt at si Calvin sa harap! Seryoso ba talaga sila sa pinagagawa nila sa buhay? Napatakip nalang ako sa mukha dahil sa napapatingin na sa akin iyong ibang kasamahan namin.
"Don't look at me! Wala akong alam diyan!", sabi ko nalang kaya napatawa ang iilan. Lumingon naman ako sa katabi ko.
"Me either, I wasn't even aware that my father knows a thing about music.", sambit ni Maribelle kaya tumingin nalang uli ako sa may stage. Well, nandiyan naman si Calvin so I'm pretty sure this will be good.
Nasa drums si Mayor Hunt, habang sina Sir Ace at Daddy naman sa guitar, bass saka electric. Habang si Calvin naman ay nasa may keyboard. Kakanta kaya silang lahat? Ang tanong ay ano naman kaya ang kakantahin nila? Naghiyawan naman ang lahat nang magsimula na iyong tugtog.
[Take Me To Church by Hozier]
'My lover's got humour
She's the giggle at a funeral
Knows everybody's disapproval
I should've worshipped her sooner'

BINABASA MO ANG
Melodial Summer Camp: The Bet
Teen FictionFor being grounded ay napilitang sumali sa isang camp si Racey Grace dahil na rin sa mga magulang niya. Sa una ay hindi pa nito alam kung anong klaseng camp ito. She even thought it's only for a few days! Who would have thought that music camps do...