Chapter 9 - Writing The Draft

9 2 0
                                    

CHAPTER 9 - WRITING THE DRAFT

Racey Grace Molina

Pagkarating ko naman sa room namin ay agad din naman akong kumuha ng damit na pamalit ko saka tumungo sa banyo. Nag-half bath lang ako saka nagbihis. Kumuha naman ako ng sticky note saka ballpen.

'Kapag tulog pa ako during dinner, mauna na kayo. I'll just eat in the kitchen later.'

Nilagay ko naman ito sa may taas ng bunk bed ko saka nahiga. Sana nga lang mawala rin agad itong nararamdaman ko. Nakailang ikot-ikot pa sa kama bago ako tuluyang nakaramdam ng antok.

"Rory?", tawag ko dito nang mapansin kong papalapit ito sa akin. Matagal-tagal na rin nung huli ko siyang napanaginipan.

- - - - - - - - - - -

Naamlipungatan naman ako nang makaramdam ako ng gutom. Agad naman akong napabangon saka napatingin sa may dingding para tingnan kung anong oras na. Muntikan na akong mapamura ng malakas nang mapansin kong alas dose na. Ang haba naman ata ng tulog ko.

Nag-stretching naman ako saka naghanap ng bond paper saka ballpen. Sa baba nalang ako magsusulat ng draft. May nakita ko namang may note silang inilagay sa mesa.

'Sabi ni Zico you can take your time on writing the draft. May oras pa naman daw tayo so don't rush.', napangiti naman ako saka binasa iyong isa pang note.

'We were supposed to get you some food sa cafet pero sabi ni Sally malabo raw na walang kakain kapag inilagay namin sa may kitchen.'

'Mga patay gutom daw kasi iyong ibang melodians.'

Muntikan na akong mapahalakhak nang mabasa ko iyong pangatlong note. Dala-dala iyong clipboard na may bond paper saka ballpen. Tumunog pa iyong tiyan ko nang naglalakad na ako papuntang elevator.

'Sana lang walang tao sa may kitchen.'

Dahan-dahan naman akong naglakad para hindi ko mabulabog ang ibang melodians na natutulog na. O baka bigla nalang may sumulpot na staff.

Pagkarating ko sa kitchen agad din naman akong napatigil nang makitang may tao pa rito.

"Why are you awake?", tanong ko sa kanya kaya napatingin sa akin.

"I can't sleep, how about you?", sagot nito sa akin at mukhang hindi na naman ito nagulat.

"Kakagising ko lang, may lulutuin ka ba? Why are you holding a pan?", tanong ko dito nang makita kong mukhang may balak itong magluto since he's holding the pan.

"Yes? I just want to fry an egg and ham, for the sandwich.", sagot niya kaya napatingin ako sa may counter at may nakalapag dun na isang pack ng loaf bread.

"You know how to cook?", tanong ko saka siya nilapitan.

"I mean, ip-prito lang naman iyong itlog. What's so hard in that?", sagot niya sa akin kaya kumuha ako ng dalawang itlog saka ibinigay sa kanya.

Kumuha rin ako ng bowl at iniabot dito.

"Sige nga, biyakin mo nga iyong itlog nang hindi nababasag iyong yolk.", sabi ko sa kanya kaya napangiwi ito.

"Fine", turan niya naman kaya napahilot nalang ako sa sentido nang pagbiyak niya ay sumama lahat ng shell sa may bowl.

"What so hard in that pala ah.", sabi ko saka kumuha ng tinidor at pinagkukuha ang pira-pirasong shell sa itlog. Binati ko naman ito saka kumuha ng asin saka pepper.

"What are you trying to make? Scrambled o sunny side up?", tanong ko sa kanya saka tumingin dito at umiwas naman ito ng tingin.

"The one with the egg yolk on the middle.", sagot niya kaya kumuha ako ng isa pang bowl para sa itlog niya. I mean, para sa itlog na gagamitin for his sandwich.

Melodial Summer Camp: The BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon