Zephyr Mazel Alie “Lola Mazel”
"PUTA!" PABULONG kong sigaw bago mas binilisan ang paglalakad papuntang Safe Room.
Ginamit ko ang kapangyarihan kong gumawa ng portal papuntang Safe Room at nung bumukas ang portal ay agad akong pumasok roon.
Natagpuan ko ang sarili kong nasa tapat ng pintuan ng Safe Room, nakalutang parin ang mga bata pero nakapasok naman sila sa portal kaya ng makapasok na kaming lahat ay sumarado na iyon.
Nakahinga ako ng maluwag dahil doon, walang nakakaalam nitong Safe Underground Room dahil ang pamilyang Galaxy lang ang nakakaalam nito.
Buti nalang nasa 4th floor ang chamber namin ng asawa ko kung hindi baka kanina pa nila nakuha ang apo kong si Alicia.
Pinalutang ko muna ang kalong kalong kong si Alicia para makagalaw ako ng maayos.
Lumapit ako sa pintuan ng Safe Underground Room bago nilagay ang password doon gamit ang dalawang kamay ko bago ko iniikot ang parang manibela sa Barko pakanan tsaka iyon unti unting bumukas ang pintuang iyon.
Pumasok ako sa loob nung Safe Underground Room at agad namang pumasok ang mga batang nakalutang sa ere bago ko isinenyas na ilagay sa malaking kama ang mga batang isang taong gulang na at sa malaking Crib ang mga sanggol.
Ang loob nitong Safe Room ay parang malaking room lang ito na kumpleto na ang mga gamit. Merong mga damit, pagkain, at etc.
Napabuntong hininga nalang ako bago lumapit sa kama kung saan nakahiga ang mga batang mahimbing ang tulog.
Dapat ay anim sila ng mga isang taong gulang pa lamang at kasama naroon ang dalawa kong apo na sina Mazuo at Mazes.
Binilang ko sila tsaka ng makitang kumpleto sila ay napatango tango ako dahil kumpleto sila at walang naiwan.
Lumingon ako sa may Crib na kinalalagyan ng mga sanggol para makita ang apo kong si Alicia na nakatayo at nakahawak sa harang ng Crib bilang suporta. Mulat ang mata ng apo ko at nakatingin sa labas ng pintuan ng Safe Underground Room.
Lumingon nalang ako sa kama na kinalalagyan ng mga batang lumulutang kanina sa ere pero agad ulit akong lumingon sa Crib dahil sa gulat na nakita ko.
At ngayon, nakalutang naman si Alicia kaya nanlaki ang mga mata ko at nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Nagising lang ako mula sa pagkatulala ko ng lumulutang na lumabas ng Safe Room si Alicia.
"Apo! Alicia!" Tawag ko rito at sinundan sya palabas ng Safe Room.
Pero di ko na sya nahabol dahil mabilis ang paglipad nito kaya malayo na sya saakin.
Gumawa muna ako ng Barrier na di makakapasok sa loob ng Safe Room para di makuha ng kalaban ang mga bata sa loob ng Safe Room.
Ginamit ko ang kapangyarihan ko para gumawa ng portal papunta kung saan nasaan ang gera ng Galaxy.
Pagkapasok ko ay agad namang sumarado ang portal, di naman ako nagkamali dahil nakita ko ang apo kong lumilipad sa ere.
Pero ang ikinagulat ko ay nakapikit ito habang sumasabay sa hangin ang buhok nitong hanggang bewang at ang suot nitong Light Pink Long Dress.
"Mahal na Hari at Reyna! Naroroon yung bata na hinahanap natin!" Sigaw ng kung sino habang nakaturo sa langit kung nadaan ang apo ko mula sa maraming taong war field.
Lahat ng tao ay natigil sa ginagawa at napatingin rin sa langit.
"Hindi nga kayo nagkamali, kahit buwan pa lamang ito halatang magandang bata." Nakangising sabi ng lalaking nakaupo sa isang trono na nakapasan sa likod ng sampung lalaki.
BINABASA MO ANG
Reincarnated In Princess Body
FantasyTransmigration Series #1 | On-going Do you believe in Reincarnation? If you don't, will you believe that i got reincarnated in a princess body? A frail, weak princess's body? Well even myself can't believe that i got reincarnated in this kind body...