Zephyr Mavis Alicia “Zia”
I STARTED to walk in the exit door in cafeteria with my food in my hand, holding it until someone blocked my way.
"S-sandali lang!"
Sigaw ni Ellaine at humarang pa sa harapan ko na nagpatigil sa paglalakad ko.
Nakakagat parin ako sa donut ko habang nakatingin sa kanya ng nagtataka.
Tinatanong ng mga mata ko kung anong ginagawa nya.
"P-pwedeng sabay tayong kumain muna dito? Sabay nalang tayo kayla kuya papuntang room since magkakaklase na din naman tayo ngayon." Kinakabahang saad nito pero nakangiti parin.
Napataas naman ang isang kilay ko ng hawakan nito ang isa kong braso at hinila na ako papunta sa lamesa nya, kasama nya pa ang iba pang royals sa table nya.
Di pa nga ako pumapayag na pumunta don, hinatak na nya ako.
Hindi ko na iyon pinansin at naglakad nalang habang kinakain ang donut ko sa kamay ko.
It's delicious kaya.
Nasa tapat na kami ng lamesa ni Ellaine at umupo naman sya sa katabing upuan ng kuya nya, si Edwin.
Tiningnan ko naman sya ng seryoso ng ako nalang ang nakatayo at tinaasan sya ng kilay ng parang tila di na nya ako naalala.
"A-ah, don ka muna umupo sa tabi ni Xhan. Wala na kasing bakanteng upuan sa tabi ko eh hehehe." Nakangiti nitong saad sakin at tinuro ang katabing upuan ni Xhan.
Nakatingin ito sakin na tila umaasa na uupo talaga ako sa tabi nito.
Bakante nga iyong upuan sa tabi nito but I don't want to sit beside him.
I don't want to sit beside a cheater who only have a face.
Tiningnan ko naman si Tres na tahimik lang habang nakatingin din saakin.
May bakanteng upuan naman don kaya don nalang ako umupo.
Ngumunguya pa ako ng umupo ako at nilapag ang bag ko sa gilid ng upuan ko.
I think this table is customized for royalties because mas malaki ito kaysa sa iba pang mga table dito sa cafeteria.
Nilapag ko din naman sa harapan ko yung milk ko at nilabas yung phone ko mula sa bulsa ng palda ko.
I opened it with my one hand before taking a bite in my donut, i immediately went to the ML and opened my data.
The data here kasi ay unlimited so yeah.
I waited to the game to officially open ng nilapag ko iyon sa lamesa ng cafeteria at kinuha yung gatas ko at uminom don.
Haa, i like it.
The sweetness and creaminess is balance.
After that, i licked my upper lip para tanggalin ang ilang cream na naiwan sa bibig ko bago tumingin sa paligid ko.
Nakita ko namang namumula at nakatulala sakin yung mga prinsipe, si Ellaine naman ay nakangangang nakatingin sakin.
Tumingin naman ako sa paligid ko at ganon din ang mga reaksyon ng mga students na nakatingin sakin.
Namumula at nakatulala ang mga lalaki sakin at ang mga babae naman ay nakangangang nakatingin sakin.
They're expression is like they are dumb founded or something.
"Damn." Narinig kong bulong ni Tres sa tabi ko kaya napatingin ako sakanya.
Nakayuko ito habang nakahawak ang isa nitong kamay sa noo nya.
BINABASA MO ANG
Reincarnated In Princess Body
FantasyTransmigration Series #1 | On-going Do you believe in Reincarnation? If you don't, will you believe that i got reincarnated in a princess body? A frail, weak princess's body? Well even myself can't believe that i got reincarnated in this kind body...