«Chapter 12»

430 16 1
                                    

Third Person's

"SIMPLE LANG. Tatanggalin natin ang posisyon ni Prinsipe Xhan bilang Crown Prince ng Moon Empire."

Malamig na sabay na saad ng magasawang Moon na nakatingin sa kanilang anak na si Prinsipe Xhan na ngayo'y nanginginig na dahil sa takot.

"Tama kayo dyan, pero parang sobra naman ata yung tanggalin natin ang karapatan nya sa korona." Sabat ni Reyna Carol at sumulyap pa ng ilang sandali kay Prinsipe Xhan na nakayuko parin.

Kahit disappointed ito sa Prinsipe ay kailangan nyang tumutol dahil may karapatan naman ito sa korona at trono.

"Tama si Carol, okay na siguro yung pagsasawalang bisa ng kapangyarihan nya ng ilang buwan." Saad naman ni Haring Charles na ama ni Prinsipe Collins.

"Pero hindi tama yung ginawa nyang yon sa Prinsesa na alam naman natin—"

"Tama na, Lee."

Pagawat ni Haring Rius na nagpatahimik sa mga hari at reyna.

"Nakapagdisisyon na ako." Dugtong nito na nakapagpabuntong hininga sa lahat ng hari at reyna.

Wala na silang magagawa pa kung nakapaggawa na ito desisyon dahil ito ang mas nakakataas sakanila, kahit kaibigan nila ang hari ay di pa rin nila ito pwedeng suwayin.

"Ang desisyon sa diskusyong ay pinapayagan ko ang pagsasawalang bisa ng kasal nina Prinsesa Alicia at Prinsipe Xhan dahil sa kawalang pakeelam ni Prinsipe Xhan sa kanyang magiging asawa at reyna ng kanilang kaharian." Paghahatol ni haring Rius habang nakatingin sa lahat ng tao sa throne room.

"At bilang parusa sa ipinakitang ugali ni Prinsipe Xhan ay ipinasasawalang bisa ko ang kapangyarihan mo sa loob ng limang buwan bilang parusa sa iyong kasalanan." Saad ni haring Rius habang nakatingin kay Prinsipe Xhan na gulat na nakatingin sa hari.

Napataas naman ang kilay ng hari sa inasta ni Prinsipe Xhan.

"May angal ka, Prinsipe Xhan? Baka nakakalimutan mong pinakitaan pa kita ng awa dahil anak ka ng kaibigan ko. Kung tutuusin, tama nga sila Lee at Xendrome na tanggalin ang karapatan mo sa korona eh." Sabi ni Haring Rius kay Prinsipe Xhan na agad namang yumuko agad dahil sa takot na mawalan ng karapatan sa korona.

"W-wala po akong pagtutol sa desisyon nyo, mahal na hari." Sagot naman nito kaagad kaya napatango nalang si Haring Rius.

"Bakit limang buwan lang? Dapat ginawa mo ng isang taon para magtanda yang batang yan!" Tutol naman ni Reyna Xendrome na nagpabuntong hininga kay Reyna Macy.

"Hayaan mo na, Xendrome. Kawawa naman yung bata kung wala syang kapangyarihan ng isang taon. Okay na siguro kung limang buwan lang." Mahinahong saad ni Reyna Macy na nakapagpailing nalang kay Reyna Xendrome at napabuntong hininga.

"Napaka bait mo talaga, Macy. Sayang at si Rius napangasawa mo." Umiiling na saad ni Reyna Xendrome na nakatanggap naman agad ng masamang tingin kay Haring Rius.

Binalewala naman ito ni Reyna Xendrome at nagkibit balikat nalang.

"Dito na nagtatapos ang pagpupulong na ito." Pagdeklera ni Haring Rius sabay tingin sa mga prinsipe at prinsesa na mga nakatingin lang kay Prinsipe Xhan.

"Mamaya kayong tanghali ba-byahe papuntang paaralan nyo kaya magayos na kayo papuntang unibersidad. Paki sabi nalang ang balitang to kay Alicia, Mazes, Mazuo." Huling saad ni Haring Rius kasabay ng pagtayo nito sa trono nito.

"Opo." Sabay na saad ng kambal na prinsipe, ang kambal na nakatatandang kapatid ni Prinsesa Alicia.

Kasunod naman ng mga ito ng iba pang mga hari at reyna habang ang mga tao naman sa loob ng throne room ay mga nakayuko bilang paggalang sa mga hari at reyna.

Reincarnated In Princess BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon