«Chapter 19»

506 23 6
                                    

Zephyr Mavis Alicia “Zia”

"NOW NOW, tama na yan." Saway bigla ni Kuya Mazuo saamin sabay tanggal ng pagkakalingkis ni Faye sa braso nya.

"Wag muna kayong magaway kahit ngayon lang. Please lang." Nagmamakaawang awat samin ni Trevor.

"Sinisira nyo yung mood natin eh." Dagdag pa ni Dennix.

"Fine!" Pagsuko ni Tracey bago ako tiningnan ng huling masamang tingin.

Nginisian ko lang naman sya bago bumitaw na kay Tres.

Medyo narelax naman na sya sa kinauupuan nya bago sya napasandal sa sofang inuupuan namin.

Napatawa naman ako ng mahina dahil don because i find him cute and fascinating at the same time.

Di naman sinasadyang napatingin ako kay Ellaine kaya nakita ko kaagad ang mapanukso nyang tingin, with matching teasing smile.

Agad na nahulog ang ngiti ko ng makitang tumaas baba ang kilay ni Ellaine sabay tikhim ko.

Umiwas nalang ako ng tingin sakanya bago uminom ng soda na hawak ko.

Naramdaman ko ring parang uminit ng kaunti yung pisngi ko na di ko nalang pinansin ng masyado.

Why the hell am i blushing all of a sudden?

"What if maglaro nalang tayo ng truth or dare para hindi masyadong boring? Tapos lagyan natin ng twist. Ano? Game ba?" Biglang suggest ni Kuya Dennixon na sinangayunan naman ng lahat.

Pati si Ellaine ay tumango habang ako ay nakaupo lang sa gilid habang panaka nakang umiinom ng soda.

Nakikinig kasi ang isang tenga ko ng music na pasimple kong nilagyan ng air pods kanina.

Nakikinig naman ako sa usapan nila pero di naman nakukuha non masyado ang interest ko.

"Okay! Since pumayag naman ang lahat maglalapag na kami ng twist sa laro." Masiglang nakangiting saad ni Collins.

May hawak itong bote ng isang alak sa isa nitong kamay at nakatayo rin sya mula sa kinauupuan nya.

"Alam naman nating lahat ang rules ng truth or dare diba so sasabihin ko nalang ang twist nitong laro natin. Ang twist nito ay imbis na isang tanong lang ang ibabato sa matapatan ng bote ay limang tanong ang ibabato. Kunyare, ako ang nagtanong kay Trevor ng truth or dare tapos pinili nya ay dare, dapat magawa nya yon para makapagproceed sya sa next na magtatanong sa kanya." Paliwanag nito saamin.

"Gets ba?" Nakathumbs up nitong tanong saaming lahat na tinanguan lang naman namin.

"Yes!" They said in chorus.

"Wait! Pano pag di nasagot yung tanong or di nagawa yung dare?" Tanong ni Dennix kay Collins.

Collins grinned na ikinataas ng kilay ko.

Collins is plotting naughty idea.

"Simple lang. It's either iinom ka ng alak o maghuhubad ka ng damit mo. Take note, hindi lang basta basta itong alak. Sobrang tapang nito, galing pang kaharian namin." Collins said with a grinned.

Everyone cheered maliban samin nina Ellaine at Tres na napailing iling nalang habang nakangiti.

Collins kingdom is famous from making alcohol and liquor by the way.

"Game na ah! Papaikutin ko na to!" Sigaw ni Collins bago nilapag na sa lamesa ang bote at pinaikot na iyon.

Napailing iling nalang ako dahil tuwang tuwa silang lahat, maging si Ellaine ay tumatawa at ngumingiti rin.

Reincarnated In Princess BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon