Victory Xhan
NAPAIWAS AKO ng tingin mula kayla Alicia at Tres na naghahalikan sa harap ko.
Tangina, sa harapan ko pa talaga.
Alam ko namang dare lang ang lahat ng ito pero hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang sumakit ang dibdib ko ng walang dahilan.
Napahawak ako ng wala sa oras doon bago napapikit.
Anong nangyayari sakin? Hindi ko pa ito nararanasan sa tanang ng buhay ko.
Napadilat naman ako bago napainom sa hawak kong beer ng tatlong beses, umaasang maibsan nito ang sakit sa dibdib ko pero nagkakamali ako.
Parang lalo lang atang sumakit ang dibdib ko.
Hindi naman ito yung klase ng sakit na parang aatakihin ako sa puso o kung ano.
Yung sakit na nararamdaman ko ay parang tinutusok ang milyong milyong karayom ang puso ko ng sabay sabay.
Wala sa oras akong napatingin kay Alicia na ngayon ay kausap na ang Kuya Mazes nya.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin.
Nagsimula lang naman ito nung magising sya mula sa aksidente nya at sya mismo ang nagpatigil sa kasal namin.
Hindi ako naniniwala sa sinabi nyang hindi na nya ako mahal kasi para saan pa yung paghahabol nya sakin ng ilang taon kung bored lang pala sya non?
Kaya hindi ako naniniwala sa excuse nyang yon.
Alam kong masama ang mangaliwa pero kasi hindi ko pa nae-enjoy ng masyado ang buhay ko.
Sa edad na ten years old ay nakatali na ako sakanya.
Gusto ko pang maenjoy ang teenage life ko hanggang di pa ako nakakasal sa kanya.
Di naman ako tutol sa kasal simula palang, gusto ko lang muna maenjoy yung teenage life ko.
Basta, alam kong mahal nya pa ako at pinagseselos lang ako gamit si Tres para makuha ang atensyon ko.
Pero pinapaasa naman nya si Tres sa plano nya, lalo nya lang pinapaasa yung tao.
Napangisi naman ako sa isiping iyon habang nakatingin sa muka ni Alicia.
Alam ko ang plano mo, Alicia. Ako na mismo ang makikipagbalikan sayo para matapos na itong pagpapaselos mo sakin at paggamit mo kay Tres.
Kawawa naman ang Prinsipe Tres kung paiiyakin mo lang din sa huli kapag nagbalikan tayong dalawa.
Tracey
TOTOO BA iyong nakita ko?!
Hinalikan ni Alicia ang kuya ko?!
Masama kong tiningnan si Janine na nagpeace sign habang nakangiti na ipinapahiwatig na nagso-sorry ito.
Lalo ko lang naman itong tiningnan ng masama bago napakagat sa kuko ko sa hinalalaki dahil sa inis.
Bwiset na Janine kasing yan eh! Kung hindi yon yung dinare nya kay Alicia, edi sana hindi hahalikan ni Alicia yung Kuya ko!
Kung ang dinare nya sana kay Alicia ay yung maipapahiya nya yung sarili nya edi sana hindi to nangyari!
BINABASA MO ANG
Reincarnated In Princess Body
FantasyTransmigration Series #1 | On-going Do you believe in Reincarnation? If you don't, will you believe that i got reincarnated in a princess body? A frail, weak princess's body? Well even myself can't believe that i got reincarnated in this kind body...