«Chapter 08»

444 15 0
                                    

Prince Tres

"KAYA PINALUTANG po sila ni Alicia dahil sa pambu-bully nila kay Ellaine." Pagtatapos ko sa paliwanag ko kung bakit sila nakalutang nina Mazes.

Kaibigan ko rin naman sila pero mali kasi ang ginawa nila kay Ellaine dahil princess din si Ellaine, katulad namin.

Disappointed ang mga ekspresyon nila Mommy at Daddy habang si Tita Elizabeth ay katabi si Ellaine na nakayuko lang.

Likas na mahiyain kasi sya, baliktad na baliktad ang ugali ni Ellaine kesa kay Alicia na maingay at masiyahin.

By the way, nandito pala kami sa Sala ng palace nina Tito Rius.

Nakaupo kami sa sofa set habang magkatapat na nakaupo ang mga Mama at papa namin sa mga prinsipe at prinsesa pero ako nakahiwalay. What did i mean is nasa pangdalawahang tao akong sofa dito sa Sofa set nina Tito Rius.

"Hayst, kaya pala laging tahimik itong si Ellaine dahil doon sa ginagawa nyo." Disappointed na sabi ni Tito Rius habang nakatingin kayna Mazes, Mazuo at sa mga kaibigan pa nila.

Kaibigan pa din naman ang turing ko sakanila kahit ganon ang ugali nila.

"Pag ginawa nyo pa ulit to sa susunod ay baka ma-grounded ko pa kayong lahat, walang makakapigil sakin." Sabi ni Tito Xhanlee, tatay ni Xhan.

"Wala talagang pipigil sayo, Lee." Pambabara ni Tito Dennis kaya tiningnan kaya ng masama ni Tito Xhanlee.

"Tama na yan." Awat ni Tita Denisse sa asawa at kaibigan nila.

"Naiintindihan nyo ba yon?" Malumanay na sabi ni Tita Caroline kaya tumango silang lahat habang nakayuko.

"Opo." Sabay sabay na saad nilang lahat habang nakayuko.

Nahihiya dahil sa mga kasamaang ginawa nila kay Ellaine.

"Kailangan ko pa palang pasalamatan si Alicia sa pagprotekta kay Ellaine. Asan ba ang batang yon?" Sabi ni Tita Elizabeth habang ginagala ang paningin sa Sala dito sa Palace nina Tito Rius at Tita Macy.

"Mama! Papa!" Lahat kami ay napatingin sa hagdanan ng marinig ang sigaw na iyon.

Di ko alam kung matatawa, maa-amaze o ano sa itsura nilang tatlo.

Pano ba naman kasi ang kambal na sina Xio at Xia ay nakasuot ng isang twin outfit na lalong nagpa cute sa kanilang dalawa. Habang si Alicia ay bago na ang suot nito at kapares pa ng suot ng kambal ang damit nito.

Nakasuot si Alicia ng isang white floral dress na pinatungan nya ng black blazer at white strap high heeled sandals. Nakalugay ang buhok nitong kulay puti at maalon.

Hawak ni Alicia ang kamay ng kambal sa magkabilang gilid nya at muka silang magiina dahil sa damit nila, aaminin ko na din.

Bagay kay Alicia maging isang Ina and i find that cute.

Tumakbo papalapit samin sina Xio at Xia na agad namang sinalubong ni Tita Xendrome habang nakangiti.

"Xio, Xia, mukang bagong ligo kayo ah. Ang bango nyo pa, amoy baby kayong dalawa." Nakangiting sabi ni Tito Xhanlee sa kambal na bibong bibo ngayon.

Tumango naman ang kambal.

"Yes po! We take a bath in Ate Mavis' bathroom and look po oh!" Maligayang sabi ni Xia at tinuro pa ang mahaba nitong buhok.

Napatingin naman kami roon.

"My hair is so pretty po!" Bibong sabi ni Xia at tumalon talon pa.

"Be careful, Xia." Paalala ni Alicia kaya tumigil na sa pagtalon talon si Xia bago tumango tango.

Reincarnated In Princess BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon