Wallace Fednix “Ace/Nix”
(Mortal World, hideout)"TUMIGIL NA nga kayong dalawa!" Pagsasaway ko kila Yaire at Jeon.
Pano ba naman ay kanina pa nagaaway, ang sarap batukan nilang dalawa.
"Sya kaya ang nauna!" Sabay na sabi ng dalawa habang nakaturo sa isa't isa.
Nagtinginan silang dalawa ng masama dahil don.
"Ginagaya mo ba ako?!" Sabay ulit nilang sabi.
"Tangina mo, fuck you!" Sabay nanaman nilang sabi at doon na nga po nagsimula ang away nila, ulit.
Napailing nalang kami dahil doon, wala talagang makakapigil pag nag-a-away silang dalawa.
Tanging si Zia lang ang nakakapigil sakanilang dalawa. Takot ba naman nila don.
Nandito kami ngayon sa Underground dahil wala kaming matambayan at ang boring sa bahay.
Actually, kami lang nina Reigan, Jeon, Nite, Reigan at ako ang nandito.
Nasa kani-kanilang mansion sina Zia at Ben dahil madami namang mga ginagawa iyon sa bahay.
Lalo na si Zia.
Pero speaking of Zia, asan kaya yung babaeng yon?
Napalingon kami sa pintuan ng hideout ng biglang marahas na bumukas ito.
Nakita namin si Ben roon habang hinihingal na nakahawak sa door knob. Pawisan rin ito habang naghahabol ng hininga. Naka pajama at t-shirt pa sya na mukang kagigising sa pagkakatulog.
"Oh, Ben. Akala ba namin di ka aalis ng mansion nyo?" Nakakunot noong tanong ni Nite kay Ben.
"Oo nga, Ben. Tsaka bakit ka hinihingal at pawisan?" Tanong din ni Reigan kay Ben.
Nung makabawi ng hininga si Ben ay nagaalalang tumingin siya saming lahat, at panghuli ako.
"S-si Zia... Nasa Ospital!" Sigaw ni Ben samin kaya nanlaki ang mga mata naming lahat.
Maging sina Yaire at Jeon ay napatigil sa pag-a-away nilang dalawa bago naka kunot ang noong tumingin kay Ben.
"Anong sabi mo?!" Sigaw na tanong ni Yaire kay Ben.
"S-si Zia dinala sa Ospital dahil tumawag kay Mom ang Mommy ni Zia at sinabi ngang sinugod sya sa Ospital!" Pag-a-anunsyo ni Ben samin.
Agad na nanlaki ang mga mata nina Yaire at Jeon. Napatakip ng bibig si Yaire habang lumuluha.
"No way." Bulong ni Nite habang lumuluha sa gilid.
Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at kinuha ang susi ng sasakyan ko.
"Saan yung Ospital na pinagdalan nila kay Zia?" Tanong ko kay Ben.
"Sa National Ospital na pagmamayari nila." Sagot agad sakin ni Ben kaya tumango ako.
Tumingin ako sa mga kaibigan kong nakatingin din sakin kaya tinaasan ko sila ng kilay.
"Ano pang hinhintay nyo?! Halika na ng malaman na ang kundisyon ni Zia!" Sigaw ko kaya tila nagising ang diwa nila.
Agad agad silang nag-ayos at naglakad na kami palabas ng hideout para pumunta sa National Ospital.
NANDITO NA kami ngayon sa loob ng private room ni Zia habang tahimik na lumuluha at nagaalala.
Hawak nina Nite at Yaire ang magkabilang mga kamay ni Zia habang umiiyak.
Habang ako nakatanaw lang sakanila habang umiiyak ng tahimik rito sa gilid na di nila ako makikita.
BINABASA MO ANG
Reincarnated In Princess Body
FantasyTransmigration Series #1 | On-going Do you believe in Reincarnation? If you don't, will you believe that i got reincarnated in a princess body? A frail, weak princess's body? Well even myself can't believe that i got reincarnated in this kind body...