«Chapter 09»

453 14 0
                                    

Wallace Fednix “Nix”

BUMABA NA ako sa sasakyan ko ng makarating na ako sa hideout.

Ang mabubungaran mo lang dito sa hideout ay isang madilim at mapuno na gubat, di mo talaga mapapaghalataang may sikreto dito.

At ang lahat ng to ay cover lang para di mapaghalataan.

Lumapit ako sa isang puno bago binuksan ang isang maliit na pintuan doon. Bumungad naman saakin ang dalawang button na black and black. Pinindot ko yung black na nasa left side at agad namang bumukas yung portal papuntang parking ng hideout.

Bumalik ulit ako sa kotse ko bago pinaandar iyon papasok ng portal, nung makapasok na yung kotse ko ay agad naman na yung sumarado.

Automatic naman na sasarado ang lahat ng nandito, maging yung maliit na pintuan sa puno ay otomatikong sumara rin.

Bumaba na ako ng kotse ko ng nakapagpark na ako. Nakita ko naman agad ang mga sasakyan ng mga kaibigan ko.

Naglakad na ako papunta sa isang pintuan at binuksan iyon, agad namang bumungad ang mga kaibigan kong nakakalat sa hideout.

Napatingin silang lahat sakin at alam ko na seryoso ang sasabihin ni Yaire base sa mga muka ng kaibigan namin.

"Buti naman at dumating ka na, Nix." Seryosong sabi ni Jeon na kataka-takang seryoso dahil lagi itong bibo at palabiro.

"Yeah, so ano bang sasabihin mo, Yaire, at seryoso kayong lahat?" Wika ko bago umupo sa sofa set dito sa hideout. Pangisahan lang ito kaya ako lang magisa nakaupo.

"Since kumpleto na tayo ay sasabihin ko na kung bakit ko kayo pinapunta dito." Seryosong sabi ni Yaire habang nakaupo sa swivel chair nya at may nakasabit pang cat ears pink head phones sa leeg nya.

"Na-hack ang system ng hideout natin." Sabi ni Yaire na ikinagulat namin.

"What?!" Gulat kong saad.

"Imposible yan, Yaire, diba kayo ni Zia ang gumawa ng system ng hideout kaya siguradong walang makakasira nyan." Kunot noong sabi ni Nite na ikinatango naming lahat.

"Sangayon ako kay Nite, Yaire. Imposible yon dahil kahit ang pinaka magaling na hacker sa buong mundo hindi kayang i-hack ang system natin. Since kayong dalawa ni Zia ang pinakamagaling na hacker sa mundo kaya imposible yang sinasabi mo." Sabi din ni Ben.

"Alam ko, alam ko, kaya ko nga kayo pinapunta dito dahil di talaga ako makapaniwala sa nalaman ko." Sabi ni Yaire bago may pinindot sa computer nya.

Halos lahat kami ay nagulat sa nakita namin sa screen ng computer nya.

Hindi maari...

"Nahirapan akong hanapin kung sino ang nang-hack sa system natin at inabot din ako ng ilang oras bago ko nalaman kung sino sya. At yan ang lumabas. Hanggang ngayon nahihirapan parin akong i-locate sya and i must admit it, they're a genius hacker." Seryosong sabi ni Yaire samin.

"Hindi." Gulat na saad ni Reigan habang nakatingin sa screen ng computer ni Yaire dahil nakita namin ang code name ni Zia.

Master Zia...

"Imposible yan, Yaire, dahil patay na si Zia. Sino ang gagamit ng access ni Zia para lokohin tayo? Huh? Baka ninakaw yung loptop ni Zia na naka-connect sa system natin?" Sabi naman ni Nite samin.

Tumingin naman ako sakanya ng seryoso.

"Hindi, Nite, eh. Nandito ang loptop ni Zia na naka-connect sa system natin kaya imposible yang sinasabi mo. Tsaka imposibleng manakaw yun dahil automatic na magpapaulan ng bala ang hideout pag may di kilalang tao ang pumunta dito." Sabi ko kay Nite na lalong nagpagulo sa isip namin.

Reincarnated In Princess BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon