«Chapter 07»

494 17 1
                                    

Selenite “Nite
(Mortal World, Gallux Residence)

NANDITO KAMI ngayon sa Mansion nina Tita Maze at Tito Matt ng mga kaibigan ko.

Unang burol kasi ni Zia ngayon at kagahapon lang sinabi ng doctor na wala na si Zia.

Sa Garden nakalagay ang kabaong ni Zia at halos mapuno ang Garden dahil sa dami ng mga tao rito, pamilya lang nila ito sa pinas at wala pa ang mga nasa abroad.

Bukas o sa makalawa pa raw darating ang iba pa nilang kamaganak.

Marami kasing half ang pamilya ng kaibigan naming si Zia.

Nakaupo kami ng mga kaibigan ko sa unahan, tahimik na umiiyak dahil sa biglaang pagkawala ng isa sa mga kaibigan namin.

Ang daya mo, Zia! Sabi mo walang iwanan?! Sabi mo diba di ka mamatay ng maaga kasi masama kang damo?! Bat namatay ka ng sobrang aga?!

Ang pinaka malakas saaming magkakaibigan na umiyak ay si Yaire na literal na ngumangawa talaga habang si Nix naman ay nakatulala at may tumutulong luha pa sa mata.

Alam naming lahat na magkakaibigan na may gusto si Nix kay Zia mula bata palang kami kaya alam kong mahirap ito para sakanya.

Napatingin ako sa kabaong ni Zia at nakita roon si Tita Maze na nakayakap roon habang umiiyak ng malakas. Pinapatahan naman ni Tito Matt si Tita Maze kahit umiiyak din ito dahil sa pagkamatay ng anak.

"Anak! Bakit mo iniwan si mommy?! Bakit mo kami iniwan?!" Iyak ni Tita Maze habang nakayakap sa kabaong ni Zia.

"Hon, tama na." Saad ni Tito Matt habang pinapatahan si Tita Maze.

"Anak, balik kana sakin. Alam kong buhay kapa kasi diba sabi mo bibigay mo wish ni mommy sayo kahit ano pa yan? Yung wish ko ngayon ay bumalik kana sakin kaya please. Please anak, balik kana kay mommy." Iyak ni Tita Maze.

Hindi naman nagpatinag si Tita Maze at lalo pang napaiyak habang nakayakap sa kabaong.

Dahil doon ay napaiyak na kami sa tagpong iyon at napayuko nalang habang tahimik na umiiyak.

"Mom!"

Napatingin kami kung saan nanggaling yung sigaw na iyon.

It's kuya Matthew, older brother ni Zia.

"M-matthew! Wala na si Zia! Wala na ang kaatid mo!" Umiiyak na saad ni Tita Maze at napaluhod na sa sahig dahil sa panghihina na agad namang dinaluhan ni Tito Matt.

"What?! I thought nagbibiro lang kayo para pauwiin ako!" Gulat na tanong ni Kuya Matthew.

Si Kuya Matthew pala ay ang Kuya ni Phyrazia na naka based-in America dahil sya ang nag-ma-manage ng company nila doon.

"T-this can't be! Sabi nya kikilatisin nya pa yung magiging asawa ko kaya imposible yang sinasabi mo mom!" Umiiyak na saad ni Kuya Matthew at napahawak sa noo nito.

"Patay na si Zia. Wala na ang prinsesa natin." Umiiyak na sabi ni Tita Maze ulit sa anak na si Kuya Matthew.

Agad namang lumapit si Kuya Matthew sa kabaong ni Zia para tingnan kung totoo ba ang sinasabi ng ina at ng mapagtantong tama ito ay napalakas ang iyak nito.

"N-no! This can't be! Zia! Wake up! I know you're not dead cause you promised me that you will gonna be the President of our company! You promised me din na kikilatisin mo muna yung magiging asawa ko diba? So Zia! Wake up! Please! I'm begging you!" Sigaw ni Kuya Matthew at pinalo pa ng ilang beses ang kabaong habang umiiyak pero tumigil din dahil sa panghihina.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit kay Tita Maze at Tito Matt para tulungan si Tito Matt na itayo si Tita Maze.

Paano na kami ngayon Zia? Ang daya mo talagang babae ka!

Reincarnated In Princess BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon