«Chapter 06»

597 20 1
                                    

Zephyr Mavis Alicia “Zia”

PAGKAPASOK KO sa kwarto ko ay agad akong dumiretsyo sa walk in closet ko para kunin yung cardigan ko.

It's an plain white cardigan.

Pagkapasok ko sa walk in closet ay agad kong kinuha yung cardigan at lumabas na ng walk in closet ko.

Lumapit ako sa study table ko habang nagsusuot ng cardigan ko at binuksan yung drawer to the 2nd para makita ang sandamakmak kong mga gadgets.

Malaki itong drawer kaya kasyang kasya ang mga gadgets ko dito.

Agad kong kinuha yung pakay ko rito—which is the airpods—tsaka na ako lumabas ng kwarto ko habang nilalagay sa bulsa ng jacket ko yung airpods.

Pagkasarado ko ng pinto ng kwarto ko ay naglakad na ako papunta sa study room.

Nung nasa tapat na ako ng pintuan na pinagiwanan ko kay Ellaine ay agad kong narinig ang mga malalakas na tawanan mula rito sa labas.

Hinawakan ko ang door knob ng pintuang plain cream white mahogany door tsaka binuksan iyon.

Bumungad naman sakin ang nasa gitnang si Ellaine habang nakayuko.

Tiningnan ko ang paligid ko at halos lahat sila nakaupo at pinagtatawanan si Ellaine, maliban sa dalawang lalaking alam kong sina Tres at Edwin. Older brother ni Ellaine si Edwin.

"Itigil mo na to, Tracey!" Sigaw ni Edwin habang di makalapit kay Ellaine dahil nakaharang sakanya sina Trevor at Dennixon.

"Maawa ka naman kay Ellaine, Tracey! Kahit nerd sya kaibigan parin sya ni Alicia!" Sigaw ni Tres sa kapatid na si Tracey.

Nakangising tiningnan naman sya ni Tracey bago tinaasan ng kilay habang naka cross arms.

"Ah, akala ko gusto mo na si Ellaine kaya mo ako pinipigilan. Oo nga pala, baby mo nga pala si Alicia." Sarcastic na saad ni Tracey sabay irap sa kuya nya.

"Ikaw!" Nagtitimping sigaw ni Tres sa kapatid nya.

"Oh, come on Tres! Nagpapakasaya lang si Tracey, Bro!" Nakangising saad ni Xhan habang nakaupo sa isang upuan sa gilid.

Nakatingin lang ako kay Tracey na nakayuko sa hiya dahil sa itsura nya bago tinaas sa ere ang kanang kamay ko at kinumpas iyon.

Ilang sandali lang ay biglang lumutang ang lahat ng tao sa Room na iyon na ikinagulat nilang lahat, well maliban kayla Ellaine, Tres, at Edwin na nakatayo pa rin sa kinatatayuan nila.

"Woah!" Gulat na sabi ni Prince Trevor habang nakalutang sa ere.

Gulat sina Tres, Edwin at Ellaine na  nakatingin sa mga taong nasa ere na mga gulat rin.

"Ah, now i know. Bullying is happiness, i didn't know that." Seryosong saad ko tsaka naglakad papunta kay Ellaine na gulat na nakatingin sakin.

"A-alicia." Bulong nilang lahat sa pangalan ko habang nanlalaki ang mga mata.

"Well, if bullying are happiness then i should bully all of you. Am i right?" Seryosong sabi ko at tiningnan sila.

Napalunok naman yung mga nakalutang sa ere, well maliban kay Tracey na tiningnan ako ng masama.

"Akala ko wala kang kapangyarihan, Alicia?!" Gulat na tanong ni Kuya Mazes.

"Ano ba?! Ibaba mo nga kami rito!" Sigaw ni Tracey sakin kaya nginisian ko sya.

"Nuh-uh, im not having fun yet." Nakangising sabi ko.

"A-anong ibig mong sabihin, Alicia?" Kinakabahang saad ni Dennix.

Reincarnated In Princess BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon