Wallace Fednix “Ace/Nix”
"NOW, STOP crying na." Nakangiting pagpapakalma ni Nite kay Yaire na tumahan din naman ng paunti unti.
Naramdaman ko naman ang paghawak ni Nite sa isa kong balikat na di ko nalang pinansin.
Nakatingala parin ako habang pinipigilan ang mga luha kong pumatak.
Damn it.
"Ikaw din, Nix. Tumahan ka na kung hindi mumultohin ka ni Zia, sige ka." Pagpapakalma ni Nite sakin na may ngiti sa labi, nagbibiro.
Napatawa naman ako ng mahina dahil don bago sumisinghot na tiningnan sya.
"Shut up." Pagsaway ko rito pero tinawanan nya lang naman ako bago tinapik ako sa balikat ko ng tatlong beses.
"Tumuhan ka na kasi." Saad nalang nito bago kumuha ng bottled water sa Ref dito sa Underground at binigay iyon kay Yaire.
Pinilit ko namang pakalmahin ang sarili ko at ng kumalma na ay bumuntong hininga nalang.
How i miss that girl.
"Kumalma ka na ba, Yaire?" Tanong ni Nite kay Yaire na tumango nalang bago nilapag ang tubig na binigay ni Nite sa kanya sa may computer table nya.
"Y-yeah, thanks to you, Nite." Nakangiti nitong saad na ikinangiti din naman ni Nite.
"No prob, Yaire." Sabi naman ni Nite rito.
"May update na ba tungkol sa hacker, Yaire?" Tanong ko sakanya at agad naman itong tumango habang nakatingin sakin ng seryoso.
"Yes, Nix. Konti lang yung nakuha kong mga info pero pagsinusubukan kong i-hack yung account nya, may lumalabas na riddle, not your typical riddle, the professional edition riddle." Saad nito samin ni Nite.
"Ganon din ang lumalabas pag tina-try kong i-hack yung system natin. May lumalabas na riddle." Dagdag pa nya bago humarap sa computer nya para ipakita samin ang sinasabi nya.
Mabilis ang paggalaw ng mga daliri nitong tumitipa sa keyboard at ilang sandali pa ay may lumabas ngang riddle sa screen ng computer.
"As you can see, hindi lang riddle ang lumalabas, may timer din within 3 hours at pag di kaagad na sagutan, may bago nanamang riddle ang lalabas." Sabi nito saamin at humarap na ulit saamin.
"Isa lang ang masasabi ko rito, kilalang kilala tayo ng hacker dahil alam nyang di tayo magaling sa mga riddle." Dagdag pang ani nito.
Nagkatinginan naman kami ni Nite dahil sa sinabi saamin ni Yaire.
"So that means, kilala natin kung sino yung hacker." Gulat na sabi ni Nite na ikinatango ko habang nakakunot ang noo.
Iniisip ko kung sino ang posibleng nanghack sa system namin.
"Hindi naman pwede yung iba nating kaibigan dahil walang mga alam ang mga yon sa systems and hacking." Nagtatakang saad ko.
Ilang sandali kaming natahimik hanggang sa magsalita si Yaire ng seryoso na nagpasiklab ng pagasa sa kaluluwa ko.
"But there's one of us who knows us very well at magaling sa systems and hacking." Seryosong saad ni Yaire na ikinalaki ng mga mata ko.
"Zia..." Gulat na saad ko na ikinatango ng seryoso ni Yaire.
"That's right, there's a possibility na buhay pa si Zia at nagtatago lang sa kung saan."
Zephyr Mavis Alicia “Zia”
"SO, SAAN tayo punta pagkatapos ng klase?" Tanong ni Dennix saamin habang naglalakad na kami patungong classroom.
"Oo nga, Ang tagal na nating di nagha-hang out eh." Maarteng saad ni Tracey habang hawak ang braso ni Xhan na mukang naiinis na sa kanya.
BINABASA MO ANG
Reincarnated In Princess Body
FantasiaTransmigration Series #1 | On-going Do you believe in Reincarnation? If you don't, will you believe that i got reincarnated in a princess body? A frail, weak princess's body? Well even myself can't believe that i got reincarnated in this kind body...