CHAPTER 01

40 14 6
                                    

Hindi ko inaasahan na maiiyak ako sa kwentong aking binabasa. Ang "Unforgotten Love," kung saan isinakripisyo niya ang kanyang sariling pagmamahal para lamang sa kanyang minamahal. Talagang tumagos sa puso ko ang kanyang kwento, kahit hindi pa ako nakakaranas ng tunay na pag-ibig.

Ako nga pala si Akira Park, 18 taong gulang, at nakatira sa Tugbok, Davao City. Ipinagmamalaki kong ako ay isang bakla, hindi katulad ng iba na sobrang lantad, pero ako yung tipong simple lang. Konting pulbo at juicy cologne lang, sapat na. Inayos ko muna ang aking sarili bago bumaba. Time check, 5:30 AM. Sobrang aga ko nagising dahil adik ako sa pagbabasa sa Dreame, isang sikat na site na kinagigiliwan ng marami.

Bumaba na ako para matulungan si Mama sa mga gawaing bahay. Naghirap kami nang iniwan kami ng aking ama para sumama sa kanyang kabit na nagpunta ng Japan. Si Mama, sobrang bait, kaya tinawag ko siyang "Virgin Mary." Hinayaan niya na lang ang lahat at hindi siya gumawa ng kahit anong aksyon.

"Good morning, Ma," bati ko sa kanya.

"Andyan ka na pala, Akira. Umuupo ka na at kumain para hindi ka malate sa school. Anak, ikaw na ang bahala dito. Ako na ang magtatrabaho dahil malayo rin ang bahay ng aking amo. Ingat ka, anak," sagot ni Mama.

Ang ina ko ay nagtatrabaho sa isang mayamang pamilya dito sa Davao, ang mga Funtebella. Sikat sila sa larangan ng artwork at may-ari ng mga hotels at restaurants dito sa Davao.

"Sige, Ma. Ako na ang bahala dito. Ingat ka rin."

Pagkatapos kumain, inayos ko na ang aking gamit para sa school. Nag-aaral ako sa Savior Academy, isang sikat na paaralan sa Davao. Ang mga nakakapasok dito ay yung mga may kaya sa buhay. Ako, nakapasok dahil nag-take ako ng scholarship. Hindi kami mayaman, isa lang akong full scholar sa SA.

Lumabas na ako ng bahay at nilakad ko na lang papunta sa paradahan ng sasakyan. Hindi naman kalayuan, kaya narating ko agad ang paradahan at sumakay na ako. Sa loob ng 10 minuto, nakarating na ako sa SA.

Unang araw ng klase ngayon. Inaasahan ko na may mga mang-aasar at mambubully, pero wala naman akong magagawa. Sa totoo lang, isa ako sa mga top achievers dito sa SA. Pinapadala nila ako sa iba't ibang paaralan para makipag-compete.

Balik sa kasalukuyan...

Hinanap ko ang aking section. Hindi na ako nagulat na nasa first section ako, pero nanatili akong humble. "Wag kang magmataas, baka sa huli magsisisi ka," iyan ang aking motto sa buhay.

Sa wakas, natagpuan ko na ang aking section, ang Qeins section. Tiningnan ko muna ang loob bago ako pumasok. Sobrang ingay, kaya naisip ko, parang hindi ito ang first section dahil sa kanilang ugali at kilos.

Pumasok na ako at dumiretso sa pinakadulong upuan. Hindi ko na inaksaya ang panahon dahil halos lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa akin, pero hindi ko na lang pinansin.

Hindi nagtagal, pumasok na ang isang babae, hindi masyadong matanda.

"Good morning, class. Ako si Liezel Cyanong. Ako ang inyong adviser at English teacher sa school year na ito. Sige, magpakilala muna tayo sa isa't isa."

Hay, heto na nga ang pinakaayaw ko, ang "introduce yourself."

Habang nagpapakilala si Hazel (ata yun ang pangalan niya), may pumasok na lalaki. Maputi, matangos ang ilong, at... oh my God, biglang kaba ang naramdaman ko.

"Hey, Mr.?????? You're interrupting my class," sigaw ng aming teacher.

"Sorry, Ma'am. Hindi na po mauulit," sagot ng lalaki.

"Magpakilala ka sa kanila. Please introduce yourself."

"Okay, Ma'am. Hi, my name is Ethan Funtebella. 19 years old and single."

Hindi ko inakala na mayabang pala siya. "Hazel, Ethan, umupo na kayo."

Susunod na magpapakilala, kaya tumayo na ako. Hindi ko talaga gusto ito. "Ako nga pala si Akira Park, 18 years old," sabi ko bago umupo.

May narinig akong mga bulungan, lalo na sa mga lalaki. Sabi nila, sobrang kinis ko at mukha akong babae. Umupo na lang ako habang nasa rurok ng kahihiyan.

Hindi ko na lang pinansin ang mga naririnig ko. Nagpakilala na ang ibang kaklase ko. Dahil first day of school ngayon, wala kaming ginawa kundi magpakilala.

Ngayon, uwian na. Dahil sa pagod ko sa kakaupo (Chuuuuur, sa kakaupo), may nabangga akong lalaki. Aaminin ko naman na ako talaga ang hindi tumitingin sa daanan.

"Shiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiit. Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? Tanga ka ba?"

"Sorry po. Kasalanan ko naman po. Pasensya na, Mr.?????" Pagtingin ko, si Ethan pala.

"Clumsy ka talaga. Tanga na, bakla pa..."

END

- Don't forget to vote s comment

KUYA II (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon