**Akira's POV**
Pagkatapos sabihin ni kuya ang mga katagang iyon, diretso na ako sa kotse na sasakyan namin. Tanging iniisip ko na may hindi sinasabi sila sa akin, yung kinababahala ko, sigurado akong ako ang pinag-uusapan nila.
Agad akong pumasok sa kotse. Ilang minuto lang, sumunod naman si kuya at pinaandar ang kotse.
I check the time, it's 6:30 am. Since our class magsisimula ng 7:30 am, malaki pa ang oras sa pag-byahe. Tinitingnan ko si kuya Ethan. May malaking problema itong dinadala. Nakikita ko ito sa kanyang mata, may malaking binibitbit na problema.
Naglakad si Akira patungo sa kotse na sasakyan namin. Yes, hindi ko nakakalimutan ang pinag-usapan ni mommy na dapat mapapayag ko si Akira sa kasunduan ng J&E company na ikasal si Akira at anak ng CEO ng Kompanya.
Agad naman ako pumasok sa sasakyan. Nakita ko sa peripheral vision ko na tinitingnan ako ni Akira. Agad ko pinandar ang kotse, di pa naman kami mali-late.
**Akira's POV**
"Ahmmmm Kuya Ethan, ok ka lang ba? Parang may problema ka? Nag-away ba kayo ni mommy?" Panimula niya sa akin.
"No, Akira. May iniisip lang ako. Kaya hayaan mo nalang akong mag-isip," tugon ko sa kanya.
"Hmmmmm. Sige, kuya. Sabihin niyo lang sa akin. Kung may maitutulong ako. Di naman ako hihindi sa inyo. Kahit sa kaunting bagay, makaambag ako sa inyo," sabi niya habang nakatingin sa labas ng sasakyan.
Hindi ko namalayan na agad tumulo ang aking luha. Yes, nasasaktan ako na makita si Akira na nasasaktan. Agad ko naman pinunasan ang aking luha para hindi niya makita. Ayoko makita ang taong nagmamahal sa kanya. Umiiyak.
**Akira's POV**
Nasambit ko ang mga katagang iyon kasi gusto kong makatulong sa kanila. Alam ko may malaking problema sila. Gusto ko lang makatulong sa kanila kahit sa kunti lang.
Sa kakaisip ko, nakarating na pala kami sa school at naka-park na pala si kuya. Agad-agad lumabas si kuya. Hindi man lang siya nagsabi na andito na kami. Tiningnan ko uli ang oras, it's 7:18 am. Nataranta ako kasi malapit na kami malate ni kuya.
**Ethan's POV**
Agad ako lumabas pagkatapos ko i-park ang sasakyan. Ayoko makita ang maamong mukha ni Akira. Ayoko masaktan ang taong mahal ko kaya di ko na siya sinabihan na dumating na kami.
Agad ako dumireto sa classroom. Kaunti palang ang tao. Umupo ako sa aking upuan.
Nakita ko si Patricia. I remember, siya yung umaway kay Akira.
**Patricia's POV**
AHAHAHAHA Sa wakas may POV na ako. Hoy author, wag kang selfish AHAHAHA...
Maaga akong dumating sa classroom. Because I've a plan (WahHahaha).
I really like Ethan Funtebella. He's the future guy na gusto kong makasama.
Yes, tama ang nabasa niyo. Gusto ko si Ethan.
BINABASA MO ANG
KUYA II (REVISING)
RomanceIn this sequel to the beloved boys' love tale, Akira and Ethan's relationship takes center stage once more, as they navigate the complexities of love, acceptance, and self-discovery. As their bond deepens, they confront societal norms and personal i...