CHAPTER 16

15 13 4
                                    

Isang araw na naman ang natapos, at sobrang pagod ako sa araw na ito. Andito ako ngayon sa kwarto dahil Sabado ngayon kaya makakapagpahinga ako ng maayos at walang manggugulo sa araw kong ito.

Di ko makalimutan yung sinabi ni Tita Eli na aapunin na niya akong tuluyan. Masaya ako na magkakaroon ako ng bagong pamilya, pero sa puso ko malungkot kasi magiging magkapatid na kami ni Ethan. Hindi na ako maaaring magkagusto sa kanya kasi magiging magkapatid na kami. Hindi ko rin inaasahan yung naging reaksyon ni Ethan kagabi nang sinabi ni Tita. Masakit isipin na hindi niya ako gusto bilang kapatid. Kakaisip ko, tumulo ang luha dahil sa nangyari. Ganito na lang ba ako palagi nag-aadjust sa mga bagay-bagay? Bakit ko pa iisipin yan, bahala na nga si Batman sa mangyayari sa susunod.

ETHAN POV
Andito ako sa kwarto ngayon, nagmumukmok sa kama. Hindi ko matanggap na magiging kapatid ko na siya. Masaya ako na magkasama na kami, pero masakit kasi mahal ko na siya, hindi bilang kapatid kundi mas matindi pa sa pagiging kapatid ang nararamdaman ko sa kanya. Naging iba ang inasal ko kagabi nang tingnan ko si Akira, nalungkot siya sa nangyari at inasala ko.

Nakaka-baliw, bakit ako napunta sa problema na ito. Kaya ang ginawa ko nalang naligo ako para mahimasmasan ako sa mga problema na dumating sa buhay ko. Kaya agad kong tinungo ang banyo at nagsimula ng maligo.

ELIZABETH POV
Sa nakikita ko sa kanila parang nagkakamabutihan na sila. Ang inaalala ko lang magiging magkapatid na sila, dapat maaga pa itigil na nila ito. Andito ako sa kwarto. Sa bandang huli, sila naman ang makikinabang dito. Para naman to sa kanila, masakit ang aking gagawin pero para din sa kanila ito ang hinagawa ko, sana mapatawad nila ako.

Epilogue:
Ang pagmamahal ng dalawang kasarian ay mahirap sa panahon ngayon, yung iba tinatanggap pero yung iba tinatakwil. Ang istorya ba ito ang kakaiba ang buhay nila Kit Jansen at Ethan Funtabella ang mala fairy tale. Isang batang nawalay sa totoong pamilya, sa bandang huli nagtagpo sila pero hindi madali. Pero kinaya niya ang lahat na bagay na 'yon para sa kanyang pagmamahal sa isang lalaki at para sa kanyang pamilya, kahit labag man ito sa kanilang patararan bilang mga pinakamahalagang tao sa Scotland. Sundin natin ang buhay nila Kit Jansen at Ethan Funtabella kung paano nila haharapin ang bawat pagsubok sa buhay. -Prince Dwayne Jansen

Sumakit na lang ang ulo ko sa kakaisip kung ano ang gagawin ko. Nag-open na lang ako ng Facebook para pagtanggal ng stress.

Notif. 500
Message: 23
Friend request: 1

Tiningnan ko kung sino ang nag friend request at walang iba kundi si Liam. Di ako nagdalawang isip na i-confirm siya kasi mabait sa akin si Liam, minsan may topak nga lang, pero I like him the way he acts, sobrang simple lang ang galawan without extra effort, mapapasagot na niya ang isang babae.

Pagkatapos ko siya i-confirm, he sent me a message. *In my mind, ang bilis HAHAHAHA.

Liam's message: "Hi, Good evening Aki."

Di ko na inisip ang isasagot ko, agad-agad ko siyang nirereplyan, "Hi too, Liam, likewise." Ang tipid ko kasi mag-reply ka ayon HAHAHAH.

Pagkatapos ko siya replyan, nag-off na ako ng cellphone at agad tinungo ang banyo para makapagpunas at para makatulog na rin ako. Natapos ako magbihis sa loob ng 15 minutes kaya agad na ako humiga at natulog na.

LIAM POV
Sabado ngayon, napaka boring na araw, walang magawa nasa kwarto ako nakakulong. Buong araw ko naging masaya kasi nakita ko na si Akira, nakakalungkot di niya ako naalala, sana Aki maalala mo ako, pero di ako susuko, ipapaalala ko sayo na magkaibigan tayo noon pa. Tumulo nalang ang aking luha sa kakaisip na di niya ako naalala, sana akora maalala mo ako kasi mahal na mahal kita, sana matandaan mo na sinabi mo na mahal mo rin ako.

Kaya napagdesisyunan ko na mag open ng Facebook. Hinanap ko ang pangalan ni Akira at inadd ko siya. Hindi pa umaabot ng ilang minuto accept na niya ako. Kaya agad-agad ko siyang minessage....

Message ko: "Hi, Good evening"
Sent.
Seen agad niya.
Reply niya: "Hi too, likewise."
Natatawa nalang ako sa nireply niya, ang short lang pala mag-reply to.

Nag-message na naman ako sa kanya pero isang saglit active 3 minutes ago. Natulog na siguro. Kaya nag-leave na ako ng maraming message sa kanya.

Message: Akira Park.
Tinulugan mo ako ahh.
Kumain ka na Akira?
Mag-reply ka na naman?
HAHAHAHAA sige na nga Good night na.

Message sent.

Kaya nag-off na rin ako. Binuksan ko nalang ang Dreame app ko para magbasa ng mga stories na naka-save sa app ko. Sobrang sulit ko kasi sa app na ito may free 50 coins pa sa paggawa ng account kaya mo bilhin ang chapters na gusto.

Nakahiligan ko na magbasa ng mga stories, lalo na ang mga SPG at Bromance stories. Hindi ako bi, straight ako pero nagbabasa ako ng mga BXB stories lalo na kay GeminiVerseWriter, isa siya sa signed author sa Dreame na nagsusulat ng BXB stories.

Mahigit dalawang oras ako nagbabasa ng mga story, pagkatapos ko basahin ang bagong update ng chapters, agad ko ini-off ang cellphone ko at nagpunas para makatulog na. Time check 11pm, dobrang late na talaga kaya binilisan ko ang kilid para makatulog na ako.

Pagkatapos ko magpunas at magbihis, agad ko tinungo ang aking higaan at inayos para makahiga na ako.

KUYA II (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon