CHAPTER 06

21 14 5
                                    

Yun nga, hinila ako ni Kit. Siya lang ang masigasig kong kaibigan, at mayaman pa siya. Patungo kami sa classroom, dahil matagal akong hindi nakapasok dahil sa pagkamatay ng mama ko.

"Kit!" tawag ko sa kanya.

"Yes, bess!" sagot niya.

"Since matagal akong di nakapasok, ano pala ang mga ginawa n'yo?" tanong ko.

"Maraming activities, projects. Kahit bago pa lang, meron na agad. Sa pagkakaalam ko, bess, may transfer student ngayon, lalaki. Gwapo daw, sabi ng kaklase natin kasi isang araw lang siya nag-enroll dito," sagot niya.

Dumeretso na kami sa classroom namin. Lahat ng kaklase ko, kinamusta ako. Nagpasalamat ako na kahit hindi ko pa gaano kilala, napaka-approachable nila.

Hinanap ko si kuya, dahil magkaklase kami. Nakita ko siya na nakaupo sa kanyang upuan.

"Bees," kumuhit siya sa akin.

"Bakit, Kit? May problema ba?" tanong ko.

"Yung kuya mo, huh? Napaka-gwapo naman ah," sabi niya.

"Ewan ko sayo, Kit. Tumutok ka na lang sa pag-aaral natin," sabi ko.

"Good morning, class. By the way, meron kayong bagong kaklase. Please come in, Mr. Sam, and kindly introduce yourself," sabi ng guro.

"Hi, classmates. Ako nga pala si Sam Lee, 18 years old. Please be good to me," sabi niya.

Ang gwapo niya, ang cute, at singkit pa ng mata. Nakakahumaling, maputi, at matangos ang ilong.

Tiningnan ko si kuya Ethan sa likuran ko. Nakabusanot at nakataas ang kilay. Ano kaya ang problema niya?

"Oh, okay, Sam. Kindly occupy the chair sa tabi ni Park," sabi ng guro. Tumingin si Sam sa akin. Ang cute niya.

Nagsimula nang mag-discuss si Ma'am.

"Bees," bulong sa akin ni Kit.

"Yes, Kit, ano?" tanong ko.

"Unfairness ah. Bagay kayo ni Sam. Ang cute niyong tingnan," bulong niya.

"Tumahimik ka nga, Kit."

Discuss. Discuss. Discuss.

Kring, kring. Recess time na. Agad akong nag-ayos ng gamit para mag-recess na kami nila kuya at Kit.

"Hi," may nagsalita sa akin.

"Hi din," sabi ko habang nagliligpit ng gamit.

"Ako nga pala si Sam. Ikaw, sino ka?" tanong niya sa akin na may ngiti sa labi.

"Ako? Ah, Akira," sabi ko at nag-shake hands kami.

"Bess, ali ka na, gutom na ako," bigla niyang sinabi.

"Oh, hi, Sam. Welcome sa SA."

"Salamat. You are?"

"Kit Lopez."

"Thank you, Kit."

"Ano na, Akira? Halika na," sabi ni Kit.

"Ano, Sam, sama ka sa amin, magre-recess na tayo," sabi ko.

"Sige, salamat," ngiti niya sa amin.

Sam Lee POV

Ako si Sam Lee, 18 years old. Hindi ako masyadong mahilig magpakita ng nararamdaman, pero mahiyain akong tao.

Lumipat ako dito sa SA para hanapin ang mahal kong kaibigan. Hindi ako nabigo, dahil nahanap ko siya. Ang hired ako ng private investigator.

Pumasok ako sa SA para makita muli ang aking kaibigan na si Akira. Siguro hindi niya ako naalala, pero hindi ko malilimutan yung ginawa niya sa akin na tinulungan niya ako sa mga nangbu-bully sa akin.

Hindi pa rin siya nagbago, cute pa rin siya.

Gumising ako ng maaga, dahil excited ako. Fifteen minutes na biyahe, nagpahatid na ako sa aking driver para hindi na ako mahassle.

Pagdating ko, nagsimula na pala ang klase. Lumapit ako sa Principal's Office para kunin ang aking schedule. Pagkakuha ko, pumasok na ako sa classroom.

Palakad ako patungo sa classroom, Quin section. Sa loob ng limang minuto, nakarating na ako at kinausap muna ako ng guro bago pumasok.

Pumasok ako at nagpakilala. At sa palad, katabi ko si Akira.

Nang mag-recess, hindi na ako nag-atubiling magpakilala.

KUYA II (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon