CHAPTER 23

7 5 2
                                    

**Ethan's POV**

Pagkatapos naming mag-usap ni mommy, agad kong pinuntahan si Akira sa kanyang kwarto para pumasok na kami dahil malapit na kami mahuli sa klase.

I went upstairs para sabihin kay Akira na papasok na kami.

Kumatok ako at biglang nagbukas siya ng may ngiting ngiti. "Oh! Kanina ka pa kita hinihintay, akala ko di na tayo papasok?" tanong niya sa akin na may dalang tawa.

"Hmmm, Yes, pinuntahan talaga kita para sabihin sayo na papasok na tayo kasi malapit na tayo mahuli sa unang klase."

"Ahmmmm. Talaga ba Kuya Ethan? Tara na, totoo nga naman eh, malapit na talaga tayo mahuli sa klase."

"Tara na, bunso," inakbayan ko siya pero katamtaman lang para makaya niyang kargahin ang aking kamay.

"Hmmmmm, Kuya Ethan, ano pala pinag-usapan ninyo ni mommy? Bakit private pa kayo mag-usap?" sunod-sunod na tanong niya sa akin.

Agad ko naman naalala ang sinabi ni mommy sa akin.

"Dapat mapapayag mo si Akira, Ethan, na dapat sumang-ayon siya sa kanilang kasal," sabi ni mommy. "Please, son, for the sake of our company and the life of Akira," dagdag niya.

"What do you mean, mommy? And the life of Akira?" bigla kong tanong sa kanya.

"Tsssk. Nothing, son. Soon you'll find out," agarang umalis si mommy pagkatapos niyang sabihin sa akin ang mga katagang iyon.

"Kuya! Kuya Ethan?" kalabit sa akin ni Akira! "Bat tulala ka, kuya? May problema ba? Baka makatulong ako?" sunod-sunod ang kanyang tanong.

"Hmmm, wala, Akira. Yung pinag-usapan namin? About sa company yon. Wag mo na isipin yon. Maging okay din lahat," sagot ko sa kanyang tanong.

Tiningnan ako ni Akira sa mga katangahang sinabi ko. "Sige, Kuya Ethan. Di na ako magtatanong," sagot niya sa akin at lumakad palabas.

**Author's Note**

"SHORT UPDATE"

THANK YOU SA SUPPORT.

SORRY BUSY LANG SI AUTHOR.

KUYA II (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon