CHAPTER 15

14 13 4
                                    

ETHAN POV
Pagkatapos kong kausapin sina Kit at Liam at na-sorry na rin ako sa kanila dahil sa naging aksyon ni Akira kanina, at nag-sorry din si Liam sa ginawa niya kasi siya naman ang may kasalanan noon kung nagkaganoon si Akira.

Di ko akalain na mag-iiba ang mood ni Akira, pero ang cute pa rin niya kapag nagagalit siya. Kaya kinomfort ko muna siya sa loob ng kotse bago kami umalis, baka makita pa ni Mama ngayon pa naman uuwi non baka ako naman pagalitan.

Nakita ko ang blush ni Akira sa pagsabi ko sa kanya kanina. Hindi nalang ako nag-react sa kanya, baka siya pa ang magalit sa akin, ayaw ko pa naman na magkagalit kami. Kaya nagmaneho na lang ako para makauwi na kami. Tahimik lang siya sa buong byahe namin, walang isang salita o kibuan.

Mahigit isang oras kami sa byahe kasi sobrang traffic, 7:00 pm na kami nakarating. Pagkatapos ko ipark ang kotse, agad-agad siyang lumabas. Hindi siya nagsalita, hays ewan ko talaga, ganoon pala siya magalit si Akira.

AKIRA POV
Pagka-park ni Kuya Ethan ng kotse sa garage, agad-agad akong umakyat sa kwarto para makapagpalit ng damit at makapagpunas dahil sa sobrang lagkit ko na.

Nandito ako ngayon sa banyo para makarelax. Nasa bathtub ako ngayon nakababad para maka-relax kahit saglit, kasi sobrang stress na ako sa mga assignments lalo na mga taong walang magawa sa buhay. 30 minutes akong nagbabad sa bathtub, di ko akalain na nakatulog pala ako sa kakababad dito. Kaya agad-agad ako nagbanlaw para makapagbihis na ako, siguradong naghintay na si Kuya sa baba, patay talaga ako non, iba pa namang magalit yon.

"Oh my Gosh, naalala ko bigla ngayon pala ang uwi ni Tita Eli. Sa kaka-excite ko, dali-dali akong nagbihis, kunting pulbo at pabango. Kahit gabi, gandang-ganda ako HAHA chaaar. Kahit gabi, kailangan pa rin presentable, di ba? Bumaba ako para makita si Tita Eli kung nakauwi na siya at para makakain na rin ako kasi kanina pa ako gutom kaya nakatulog ako sa kababad sa banyo. Kaya bumaba na ako, pagbaba ko, nakahanda na ang lahat sa mesa, pagkain at iba pang kailangan, pero wala si Kuya Ethan. Kaya hinintay ko na lang, baka dadating na rin yon o baka may kinuha lang sa kanyang kwarto. Umupo na ako at nagpatimpla ng gatas. Yaya aleng, 15 minutes akong naghintay, may lumabas, si Officer Tita Eli. Nakita ko si Kuya Ethan at si Tita, kaya agad-agad akong lumipat at nag-hug kay Tita.

"Akira, baby," mungkahi niya sa akin.

"Hello po, Tita, welcome back po," bati ko sa kanya habang nakahug.

KUYA II (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon