Pagkatapos naming magpakilala kay Liam, nagtungo agad kami sa cafeteria para kumain. Wala pang sampung minuto, nakarating na kami dahil sa paulit-ulit na dada ni Kit sa akin, tinatanong kung sino ang unang lumapit, siya daw o ako. Hindi ko akalain na agad kaming makakarating sa hindi inaasahan. Nag-order kami ng pagkain at naghanap ng vacant na mesa para makakain.
Hindi na ako kumain nang hindi hinintay si Kuya Ethan para sabay kaming kumain. Pero nang matapos ang subject at lumabas agad siya, napilitan na akong kumain mag-isa dahil gutom na ako. Habang kumakain, bigla akong inakbayan.
"Bunso! Hindi mo naman hinintay si kuya!" sabi ni Liam, may tampo effect.
"Hehehehe, kuya naman kasi, ang tagal mo kasi. Nagugutom na ako eh," sagot ko.
"Saan ka ba galing, kuya? Bakit lumabas ka na agad kahit hindi pa tapos ang klase natin?" tanong ko pa sa kanya.
"May pinuntahan lang ako, bunso," sagot niya.
"Oh, Akira, kain ka na, andyan na ang kuya mo!" singit ni Liam.
"By the way, kuya Ethan, si Liam pala, and Liam, si Kuya Ethan!" dagdag ko.
"Nice meeting sayo bro," abot ng kamay ni Liam.
"Sayo din, bro. Nice meeting you."
Halos umabot ng 15 minutes ang pag-recess namin dahil sa kakatawa. Hindi ko akalain na magkakasundo pala sila ni kuya Ethan at Liam.
Dumating ang oras na umuwi na. Ayaw pa sana ni Kit, gusto mag-shopping, pero pagod na ako at hindi pumayag si kuya. Nagpaalam na ako kina Liam at Kit dahil wala na namang magawa si Kit kapag sinabi na ni kuya.
Nagtungo na kami sa kotse. Habang nasa byahe, sobrang tahimik niya habang nagdadrive.
"Kuya Ethan, bakit ang tahimik mo?" tanong ko.
"Wala lang, bunso. Pagod lang sa school, ang dami kasi nating ginawa, kahit kasisimula pa lang ng school year ang dami na agad ng assignments at projects na binigay," sagot niya.
Pagkatapos kong siya tanungin, tumahimik na ako at tumingin sa bintana habang papauwi na kami sa aming bahay. Mahigit isang oras kaming nagbyahe dahil sa sobrang traffic. Pagdating sa bahay, agad akong bumaba at pumunta sa kwarto para magpahinga.
BINABASA MO ANG
KUYA II (REVISING)
RomanceIn this sequel to the beloved boys' love tale, Akira and Ethan's relationship takes center stage once more, as they navigate the complexities of love, acceptance, and self-discovery. As their bond deepens, they confront societal norms and personal i...