CHAPTER 18

13 6 5
                                        

Isang magandang umaga sa init na bumabati sa aking mukha. Tiningnan ko ang oras at alas sais y medya na pala, kaya't nagmadali akong pumasok sa banyo para maligo agad. Binilisan ko ang pagligo dahil ayoko nang ma-late sa unang klase ko. Pagkatapos, agad kong sinuot ang aking uniporme para makababa at makakain na. Alam kong naghihintay na si Mama sa akin at ayaw niya na malate ako sa unang subject kaya't binilisan ko ang pagbihis. Isang simpleng pahid lang ng pulbos at cologne, sapat na para sa akin.

Bumaba ako nang mabilis para makakain, at sigurado akong galit na si Kuya Ethan sa paghihintay sa akin. Alam ko kasi na ayaw niya ng matagal na paghihintay kaya't bilisan ko na ito. Pagdating ko sa baba, nakita ko si Kuya Ethan na kumakain ng tinapay at umiinom ng kape. "Magandang umaga, Mom at Kuya Ethan," bati ko sa kanila ng may ngiti.

"Oh, magandang umaga, Anak," sabi ni Tita Elizabeth sa akin, ngunit medyo nahihiya pa rin ako sa kanya.

"MORNING DIN BUNSO," sabay ngiti ni Kuya Ethan sa akin. Hindi ko napigilang ngumiti sa kanyang ngiti, kahit na hindi ko ito pinapahalata.

Kumuha ako ng tinapay at nagtimpla ng kape pagkatapos kong kumain, at saka ako nagpaalam kay Tita Eli para makasama si Kuya pumasok. Sumakay na kami sa sasakyan, at habang papunta sa school, tanong ko kay Kuya Ethan, "Kanina ka bang naghihintay sa akin?"

"Hindi naman, bunso. Muntik na nga akong malate dahil na-traffic. Akala ko nga, ikaw na ang naghihintay sa akin," sagot niya sa akin sabay tawa.

Pagdating namin sa school, agad kaming nagmadali para hindi malate. Pagka-park ni Kuya ng sasakyan, tumakbo na ako papuntang classroom namin kasama siya. Halos malalate na kami kaya't hinila ko si Kuya para mabilis kaming makarating.

Pagdating namin doon, niyakap ako ni Kit at sinabing, "Akala namin hindi na kayo papasok kasi malapit na kayong malate sa klase natin. Tingnan mo, Akira, may lalaking naghihintay."

Napatingin ako sa sinabi ni Kit at nakita ko si Liam na naghihintay sa akin. Tinignan ko si Kit na may kurot ng takot sa kanyang mukha, at nag-peace sign ako sa kanya bago kami umupo.

Pagkaupo namin, agad na kinausap ako ni Liam tungkol sa pag-alala niya sa amin.

LIAM'S POV
Nandito na ako sa classroom nang mga sandaling iyon, malapit na magsimula ang aming klase sa math, na ang guro ay si Ma'am Buedez. Kinausap ko si Kit tungkol sa kanilang lokasyon, pati na rin si Ethan, subalit wala pa rin silang dalawa. Sa loob lamang ng ilang minuto, dumating na sila kasama ang kuya ni Kit, hingal na hingal sa pagdating sa silid-aralan. Agad na lumapit si Kit at niyakap sila, at umupo na sila sa kanilang mga upuan. Agad kong kinausap si Ethan tungkol sa kanilang huling minuto at ang dahilan kung bakit sila halos nahuli sa kanilang klase.

KUYA II (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon