Two girls in Albany, New York

264 3 0
                                    

Ako si Christelle Telle for short, isang 15 year old na weirdo.

“Today I don’t feel like doing anything” napakanta bigla ang aking tropa.

Yan ang kaibigan ko, si Frances. As usual, since bata palang eh best friend ko na yan. Parang mga 4 years old lang magkaibigan na kame.

So nagbalak kame ng mommy ko, na pumunta ng New York. Si daddy naman nag ta-trabaho sa Indiana, isa siyang trabahador sa isang kumpanya na gumagawa ng mga musical instruments.

It took us 2 months para magplano papuntang New York. At sa kalagitnaan ng 2 months na yon, iniisip ko pano na kaya si Frances? Ipasama ko kaya siya samin? Rich kid kasi yun eh, tska spoiled sa parents niya. Pero hula ko may magpapatino rin sa kanya someday.

“Frances! Mind to come with us to New York?” Tinawagan ko siya sa phone.

“Oh sure, why not, Kelan flight natin?” Sinabi niya sakin.

“Mga 2 weeks pa naman, pero sasama ka?”

“Oo naman, New York yun sayang. Teka, san nga pala sa New York?”

“Sa Albany, New York daw. Sabi ni mommy”

“Oh, sige sama ako” ang huling sabi nya.

So ayun, sasama daw siya. Sana tumino na siya ng konti, kasi super spoiled niya sa parents niya. Pareho kasi kaming Only Child. Walang kapatid, as usual, nagiisa.

Since nagiisa kami, nagtuturingan nalang kaming magkapatid, para at least di kami magisa minsan.

Makalipas ng 2 weeks, prepared na kame. Sa airport….

“Telle! Tignan mo yun oh, ang pogi nya” si Frances, habang tinuturo sakin ang isang lalaking parang pamilyar sakin. Parang siyang photographer na tourist, kasi yung lens ng camera nya, super haba, with matching hood pa, sabay may isa siyang maleta na binuksan niya, puro gamit ng photographer ang laman, kumpleto siya sa gamit. Siguro to rich kid din katulad ni Frances.

“Oo nakita ko, may itsura siya. Hoy! Kumpleto siya sa gamit ng photographer oh!” Yun ang sabi ko habang nag babayad na ng ticket si mommy.

“Oh shit, naka Canon siyang camera oh. Pareho kami!” sabi ni Frances habang kinikilig.

Habang tinitignan naming tong lalaking to ay ilang minuto nalang pala eh flight na namin. Kaya tinawag na kami ng mommy ko.                                                                                                                                                                             

“Hahaha, buti pa nga kayo naka Canon eh, kame pangkaraniwang Nikon na SLR lang” sabi ko sa kanya habang hinahaltak ko na siya papalayo sa ticket counter.

“ang KJ naman ni tita, bigla tayong tinawag” sabi ni Frances habang naglalakad kami papuntang Boarding Gate ng Airport.

Sa pagkakaalam ko puro strangers ang makikita namin. Yun pala kasabay din naming yung photographer na may maleta na puro Accessories ng Canon. At siya ay tumabi kay Frances, eto namang kaibigan ko tuwang tuwa na parang birthday niya ngayon. Sa sobrang tuwa, biglang nagsalita yung photographer na…

“Hi, ako nga pala si Tim, eh ikaw ano name niyong dalawa?” sabi nung katabi ni Frances. Bigla akong kinabahan at bigla akong napalunok.

“Ako nga pala si Frances, eto yung kaibigan kong si Christelle, Telle nalang itawag mo sa kanya” Sabi ni Frances.

“So uhm, sa New York din ba kayo?” Bigla nyang natanong, super kinabahan ako.

“Actually sa Albany, New York kami pupunta” bigla akong sumingit sa usapan nila.

“OH? Dun din ako pupunta eh, how about mag sabay sabay na tayo?”  bigla niya din sinabi, so napalunok nanaman ako.

“Telle, ayun na mommy mo palakad na sa Bridge papuntang eroplano.” Biglang sinabi ni Frances. So tumayo na kaming tatlo --- Tim, Frances, at ako.

So papuntang eroplano naririnig ko yung dalawa sa likod ko na naguusap tungkol sa Canon na SLR’s kasi pareho sila. Siguro eto na yung lalaking hinihintay ko para tumino si Frances. Hahaha, who knows baka nga siya na yon.

So ako, inopen ko na lang yung iPhone ko at nagpatugtog ng mga kanta ni Nicki Minaj at ng Paramore. I like them eh, bat ba? J

Pagkatapos kong buksan ang iPhone ko, biglang tumakbo si Frances papunta sakin at hinila yung isa kong earphone.

“Telle, punta daw tayo sa Park mamaya kasama daw si Tim” sabi ni Frances na pabulong.

“O sige ba, dalin natin mga SLR natin” sabi ko sa kanya ng pabulong.

“Tim! Sama daw si Telle” Bigla niyang sigaw habang naglalakad kami sa Boarding Bridge.

Eto na, sumakay na kami sa eroplano, eh 3 seats lang per row, kaya nag hiwahiwalay kaming 3 nina Tim. Si Frances, piñata na yung phone nya. Ako ni-airplane mode ko lang yung iPhone ko para at least magamit ko parin. Ayan na, kaalis lang naming sa tapat ng Boarding Bridge, at tumatakbo na ng eroplano sa runway.

Si mommy natulog samantalang kami ni Frances eh nag usap usap muna.

“Telle, ang dami niyang na share sakin tungkol sa Camera. Pareho pala kami” sabi ni Frances.

“Good for you, at least may nalaman ka ng konti sa SLR mo” sabi ko sa kanya.

“Maigi nga, pupunta daw tayo sa Park mamaya eh bago daw tayo lumipat sa Albany mamaya” sabi ni Frances.

Nung pagkasabi niya ng Park, bigla talaga akong napalunok at tila napalaki ang mata ko.

“May problema ba Telle?” Bigla nyang natanong.

“Ah, wala. Usually nahihilo ako pag sa airplanes eh” sabi ko sa kanya.

“Ah, sige. Tutulog muna ako.” Bigla nyang sinabi.

“Oh sure, matutulog na din ako para may energy pa ako mamaya”

At sabay kaming natulog sa row ng upuan namin.

Pagkalipas ng mahigit 20 hours eh nakarating na din kami sa New York.

Hilton Garden Inn Albany Airport. Yan ang narating namin, kaya di na kami makakagala.

“Nasa Albany agad tayo?” tanong ni Frances.

“Oo eh, kahit ako nagulat, pinadirect flight na pala ni mommy sa Albany tong sinasakyan natin” sabi ko.

Kaya bumaba na kami at nag simula ng mag taxi, so hindi namin alam kung nasan na si Tim.

“Nasan si Tim?” Biglang tanong ni Frances.

“aba oo nga no” bigla kong sinabi at dinagdagan “baka nauna na yon satin bumaba”

“Siguro nga no” sabi ni Frances.

-ITUTULOY SA SUSUNOD NA CHAPTER-

END OF CHAPTER 1

Two girls in Albany, New YorkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon