Chapter 4:
“Tiktilaok” Unang narinig ko ngayong umaga. Tinignan ko yung iPhone ko at tila walang text. Siguro nalimutan niya mag text or baka nalate ng gising.
Napansin ko wala si Frances sa kwarto, 8:30am. Lumabas ako ng kwarto ang nandun lang si mommy.
Tinanong ko si mommy “Nasan si Frances?”
“Ahh, lumabas ng bahay eh. Sumunod ka daw pagkagising mo.”
“Sige mommy, thanks.”
So lumabas ako, may Sunflower akong nakita may nakasulat na maliit na letter, “A” ang nakalagay, alam ko na kung sino yon, biglang may nagtext sakin, si Frances. Sabi niya “maligo ka at magsuot ng pula”. So sinunod ko naman si Frances. 9am, may na receive akong text from Frances, sundan ko daw yung trail ng sunflowers sa sidewalk.
Hanggang sa marating ko yung Lake na pinuntahan naming kahapon, may isang table doon na parang nasa tent. Naka red dress ako, may flat shoes din akong red. So in-escort ako ni Alex papunta sa loob ng tent. May nakita akong table, may candle na nakasindi, kulay blue yung candle. May dalawang plato at isang set ng kutsara’t tinidor sa tabi ng 2 plato. May baso din, may design to na kulay blue. At may table cloth na blue, tapos may nakaenvelope na letter dun sa may isang plato.
Natuwa ako sa best friend ko, mukang pinlano nila to.
Tapos pumasok si Frances sa tent, may dalang Cake. Nakalagay “Happy Birthday”. Nakalimutan ko, Birthday ko pala. Nakakatuwa lang, kasi kaya pala tahimik lang si mommy, nagtext siya sakin. “Anak, happy birthday sayo” silang dalawa ni daddy nagtext.
So natuwa talaga ako, akala ko 6pm pa kami lalabas? Na excite siguro si Alex.
Binasa ko yung envelope,
Christelle,
Happy Birthday! I love you very much, planado tong celebration natin, planado ng best friend mo, salamat kamo sa kanya. Medyo nakakahiya kasi mag tanong sa kanya.
-Alex.
Super natuwa ako sa letter ni Alex.
Pagkabasa ko sa letter na yon, napatayo ako sa upuan ko at niyapos ko si Alex. Na tila parang naiiyak nanaman ako, wala pa kasing tao ang gumagawa ng ganito sakin, nagiisa lang si Alex na ganito. Kakaiba siya.
Kumain na kami, medyo nahiya ako sa best friend ko kasi di ko aasahan na gagawin niya to, at hindi ko alam kahapon, nag 16 na pala si Alex, di niya man lang sinabi sakin. So ibig sabihin magkasunod kami ng birthday.
Makalipas ng 2 weeks—
“Christelle, since more than 2 weeks, magkakilala na tayo, close na din tayo eh, pwede bang ligawan na kita?”
“Oh sige sure, okay lang gusto ko yung simple lang, Ayoko ng masyadong galanteng tao, di kasi ako mapili sa lalaki eh, gusto ko yung simple lang”
“YES! Pwede na kitang ligawan”
“Nakakatuwa ka naman, first time mo siguro, muka kang kabado eh”
“Oo first time ko to, wala pa kasi akong nakikilalang babaeng katulad mo, yung masayahin, mahilig tumawa, makulit tapos ang gusto eh simple lang”
And then napangiti ako, makalipas ng 1 week, sinagot ko si Alex.
“Christelle, kelan mo ba ako sasagutin?” tanong ni Alex, na parang nabubulol pa ng konti.